BANGUED, Abra – Pinagbabaril ng di-pa nakikilalang gunman ang mag live-in partner, na ikinamatay ng babae, habang grabeng sugatan ang lalaki sa bayan ng Dolores, Abra noong gabi ng Hunyo 29.
Kinilala ang maglive-in partner na sina Benita Turqueza, 58, married, unemployed and residente ng Barangay Poblacion, Dolores Abra, at Danilo Briosos,60, married, unemployed at residente ng Barangay Mudiit, Dolores, Abra, both are live-in partners.
Ayon sa Dolores Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen dakong alas 7:40 ng gabi sa report a may naganap na shooting incident sa Barangay Mudiit, Dolores, Abra.
Mabilis na nagresponde ang pulisya at sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman ang dalawa ay naki-upo sa may balcony ng bahay, nang bigla umanong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Agad na dinala ang mga biktima sa Abra Provincial Hospital, subalit idineklarang dead on arrival si Turqueza ni attending physician Dr. Felino Burgos, samantalang si Briosos ay kasalukuyang ginagamot sa Seares Hospital, Bangued, Abra.
Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ngayon ang pulisya sa motibo ng pamamaril sa mga biktima,kasabay ang manhunt operation sa mga posibleng dinaanan ng suspek.
Zaldy Comanda/ABN
July 2, 2022
July 2, 2022