MAGTULUNGAN SA PAGSUGPO NG DENGUE GAMIT ANG “5S”

Nakaalerto ngayon ang probinsiya ng Benguet dahil sa patuloy na tumataas ang mga kaso ng dengue sa loob ng nakalipas na limang buwan ng taong kasalukuyan. Benguet province on alert versus dengue. Sa datos na inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Benguet Provincial Health Office (PHO) ay ipinakitang mayroong 457 mga kaso ng dengue fever mula Enero hanggang Mayo, 2023, na mas mataas kaysa 316 mga kaso na naitala sa parehong panahon ng nakaraang taon.

Ang kabiserang bayan ng La Trinidad ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso ng dengue na umabot sa 117, habang 81 mga kaso ang naitala sa Itogon at 41 sa Buguias. Ang tatlong bayan na nabanggit ay may malaking populasyon kumpara sa 10 ibang mga bayan ng probinsiya ng Benguet. Sinabi sa ulat na mula sa week 18 hanggang week 21 ng taong ito ay napansin ang anim na barangay ang may kumpol na mga kaso (clustering cases).

Base sa datos ng PESU ay may isang 66 taong-gulang na lalaki mula sa bayan ng Itoon ang namatay kamakailan dahil sa dengue at nito lamang ay napabalita ang pagkamatay ng isang babaeng reporter ng PTV-4 Cordillera ang diumano’y namatay din dahil sa dengue. Sa buong Pilipinas, hanggang nitong Abril 29, 2023 ay naiulat ang kabuuang 39,947 mga kaso na 43 porsiyentong mas mataas kumpara sa parehong panahon noong 2022 ung saan mula Enero hangang Abril 29, 2023 ay may 127 kamatayan.

Ang dengue fever sa Pilipinas ay laganap at ang panganib ng pagkahawa ay pinakamataas sa panahon at agad kasunod ng tag-ulan na karaniwang nangyayari sa Mayo hanggang Nobyembre. Iniulat ng mga awtoridad ang nasa 226,497 mga kaso ng dengue fever sa Pilipinas noong 2022, nasa 78,208 mga kaso noong 2021, at nasa 90,135 mga kaso noong 2020. Kagyat na aksiyon ang kinakailangan upang pigilan ang paglaganap ng dengue sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso at maglabas ng pambansang alerto dahil sa nakakabahalang banta ng matinding epidemya sa bansa sa darating na mga buwan.

Ang dengue ay isa sa pinakamabilis na kumakalat na sakit at ang mga bata ang pinakamadaling maging biktima.Kailangang magtulungan tayo upang isalba ang mga buhay at pigilan ang paglaganap na ating pinangangambahan ngayong tag-ulan. Maaaring matigil ang dengue sa kanilang pinagmumulan, subalit kailangan ng mga tao na protektahan ang kanilang sarili mula sa mga kagat ng lamok.

Naging tutok tayo sa nakalipas na tatlong taon sa pandemya ng COVID-19 at tila nakalimot tayo sab anta ng dengue, kaya kailangan nating ipagptuloy ang paglilinis, pagtaob sa mga puwedeng pamugaran ng mga lamok at panatilihin ang ugaling pagsunod sa “5S” – Search and destroy mosquito breeding sites; Self-protection, Seek early consultation at the nearest health care facility; Support fogging, spraying, and misting in hot spot areas; and Sustain hydration to prevent dengue disease. Dahil, ngayong Dengue Awareness Month ay baka magsamantala ang mga lamok.

Amianan Balita Ngayon