Mahigit 1,300 SK winners, sasailalim sa pagsasanay

LINGAYEN, PANGASINAN – Kinakailangang sumailalim sa mandatory training ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan (SK) officials mula sa 1,364 barangays ng probinsiya bago sila manungkulan sa public office, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa panayam kay DILG Pangasinan Provincial Director Agnes de Leon noong Mayo 16, ay nagbabala ang opsiyal sa mga youth leaders na dumalo sa pagsasanay sa kani-kanilang lugar o ang kanilang posisyon ay mawawalan ng bisa.
Aniya, ang nasabing pagsasanay ay mandato ng SK Reform Act, na higit pang palalakasin ng DILG memorandum circular 2018-48.
“The mandatory training’s aim is to prepare both the elected and appointed officials for their roles as youth leaders of their respective barangays,” dagdag ni de Leon.
Kalakip ng pagsasanay ay ang kasaysayan ng SK at salient features, meetings at resolutions, planning, ethics, budgeting, at local governance.
Sinabi ni de Leon na ang isang-araw na pagsasanay, mula Mayo 16 hanggang 26 sa buong bansa, ay isasagawa sa kani-kanilang bayan o lungsod.
“For cities or municipalities with less than 30 barangays, the local government unit (LGU) will take charge of their training, while those with more than 30 barangays will be handled by the Pangasinan State University and Lyceum Northwestern University in coordination with DILG and LGU,” aniya. A.PASION, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon