Mahigit isang libong estudyante sa Batangas ang nakatanggap ng napapanahong tulong mula sa opisina nina
Senador Alan Peter at Pia Cayetano noong March 12, 2024. “Ako po ay mapalad na bata dahil isa po ako sa binigyan
ng pagkakataon para po makasama sa programa ni Senator Alan at Senator Pia Cayetano sa programang educational assistance,” sabi ni Angel Rose Awayan, mag-aaral ng Management Accounting Student at isa sa mga 1,007 benepisyaryo. “Malaking tulong po ito pandagdag po sa pangangailangan ko pagdating sa aking pag-aaral,” dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Zandra Alex Melanio, mag-aaral ng nursing at isa ring benepisyaryo, na gagamitin niya ang suportang natanggap para sa kanyang pag-aaral at upang matulungan ang kanyang mga magulang. “Ako po ay
nagpapasalamat kay Senator Alan Cayetano at kay Senator Pia Cayetano sa pagbibigay po sa amin ng educational
assistance,” wika niya. Naisagawa ang programa para sa mga mag-aaral ng Batangas sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito.
Bahagi ng programa ng AICS ang tulong pangedukasyon na naglalayong magbigay ng mahalagang suporta sa mga estudyante upang matulungan sila sa kanilang pag-aaral. Naging matagumpay din ang programa sa Batangas dahil sa partisipasyon at tulong ng lokal na pamahalaan at dating Batangas 2nd District Representative Raneo E. Abu.
Dahil papalapit na ang kaarawan ni Senador Pia, ipinaabot din ng mga estudyante ang kanilang taospusong pagbati.
“Happy Birthday po kay Senator Pia Cayetano. Nawa po ay patuloy pa po ang inyong paggabay at pagtulong sa mga
mamamayan,” wika ni Angel. Binati rin ni Abu ang senador at sinabing “hulog ng langit” ang magkapatid. “Kayong dalawang magkapatid ay hulog ng langit sa akin kung bakit ako patuloy na nakakapaglingkod at nakakapabigay ng tulong sa ikalawang distrito ng Batangas,” sabi niya. “Ang puso ninyo, ang kalooban ninyo, pagdating sa kababaihan at kabataan ay nandodoon.
Kaya kailangangkailangan lumawig ang buhay mo at patuloy ka maging malusog,” dagdag pa niya. Bilang bahagi ng kanilang dedikasyon sa pagpapabuti ng kapakanan at kabuhayan ng mga Pilipino, patuloy na binibisita ng magkapatid na senador ang iba’t-ibang komunidad sa bansa upang makapagbigay ng napapanahong tulong na
magagamit sa kanilang kabuhayan.
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024