Hindi kaila sa buong bansa ang araw-araw na mahahabang pila sa mga lugar-bakunahan. Umulan, bumagyo’t bumaha, atubili ang taong magpabakuna, lingid sa binabanggit ng pamahalaan na malaki pa rin ang porsyentong ayaw magpaturok kahit mayroon namang nakastockpile na bakuna.
Hindi lubos maisip na sa datos ni National Task Force (NTF) against Covid-19 Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., 37,275,800 doses ng Covid-19 vaccines na ang dumating sa bansa (binili o binigay), ngunit 21,883,781 doses lamang pa ang naiturok.
Kailan pa natin makakamit ang sinasabing “population protection”?
Pangalawa, kalituhan ang dulot ng “good news” ni Galvez Jr. sa pagsabing 21,883,781 doses na ang naibakuna, 12,058,315 ang nabakunahan ng unang dose, samantalang 9,825,466 ang “fully vaccinated”. Samakatwid ba’y halos 10 milyon pa lamang ang nababakunahang Pilipino?
Mula Marso hanggang ngayon, ayon din sa pagtaya’y 13.87 porsyento pa lamang sa “eligible population” ang bakunado. Ibig sabihin nito’y halos 3 porsyento lamang bawa’t buwan nang simulan ang bakunahan.
Aba’y sa ganitong takbo, matatapos tayo mahigit isang taon pa o 26 buwan?
Kanya’t mapangilang variants na ng Covid-19 kaya ang lumabas sa mahigit isang taon na yan? Ilang lockdowns pa kaya ang bubunuin ni Juan? Ang palaisipan, sa bagal ng bakunahan at bilis ng paglabas ng variants na “minu-mutate” ng pharmaceuticals, hindi ba’t mababalewala sa kinalaunan ang efficacy ng mga naibakuna na sa mga mas “pinalakas” na variants?
Hindi ba babalik sa “zero” ang magdadalawang taong bakunahan sa bansa dahil hindi nasawata ang mga mas mapanganib na variants na “ilalabas”?
August 8, 2021
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025