Ang mga township housing na may mataas na antas na imprastruktura at mga pasilidad na sumasabay sa mga ‘smart cities’ ay mabilis na nagiging kalakaran at nagpapabago sa paraan ng mga developer sa pagplaplano ng kanilang mga bagong proyekto. Dahil may kakulangan na ng mga espasyo o lupa sa mga lungsod kaya napipilitan na ang mga developers na humanap ng mga lupa sa labas ng kalunsuran – na kailangan nilang maakit ang mga bibiling tatangkilik sa mga proyektong ito sa pagbibigay sa kanila ng isang nagsasariling komunidad na gaya ng isang lungsod mismo.
Nakakaakit ang “township housing developments” sa nga mamimili at namumuhunan dahil sa kaginhawaan na kanilang iniaalok. Nagugustuhan ng mga masa ang mga proposisyon ng township ay ang pinagsama-samang komunidad na nagsusulong ng isang simpleng pamumuhay, na hindi kinakailangan ng mga residente na lumayo upang makakuha ng kanilang mga pangangailangan o gusto. Ang uri ng ginhawa ay hindi karaniwang nakikita sa mga tradisyunal na residential subdivisions o kahit pa mga nagtataasang condominium.
Ang pangangailangan para sa mga lungsod na gumawa ng mga pagbabago ay palagiang isyu na hindi kailanman madali sa paglipas ng panahon, lalo na sa bansang mabilis na lumalaki ang populasyon. Kamakailan ay nagsama ang Department of Human Settlement and Urban Development a rang pamahalaang lungsod ng Baguio para sa isang township development project upang mabenipisyuhan ang nasa 10,000 pamilya.
Nitong Enero 5 ay nilagdaan nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Housing Secretary Jose Alcuzar ang isang Memorandum of Agreement (MOU) para sa isang township development project sa isang 6.3 ektaryang lupa sa Barangay Tupinao, Tuba, Benguet na pangalawang socialized permaculture housing project matapos ang kasalukuyang Luna Terraces project sa Barangay Irisan, Baguio City. Nakahanay sa malakas na adbokasya ng Lungsod ng Baguio sa pagpapanatili at katatagan sa human settlements at urban development, layon ng proyekto na maging isa sa pinakamaganda sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na puntiryang maitayo ang isang milyon na pabahay sa loob ng anim na taon.
Maliban sa tulong ng proyekto na maibsan ang sumisikip ng lungsod at mabawasan o kaya’y tuluyan ng maalis ang iskwating sa lungsod ay matutulungan pa raw ang mga residente ng Baguio sa kanilang mga pangarap na magmay-ari ng isang disente, ligtas, at abot-kayang mga tirahan. Ang proyekto ay nakadisenyo raw na tugunan ang housing backlog ng bansa. Sa isang bagay, ang naitayong township sa mga pangunahing lungsod ay maaaring mag-udyok ng paglago ng lokal na ekonomiya sa pagdadala ng mga aktibidad na pang-negosyo sa kanayunan, kaya lumilikha ng mas malakas na kapaligiran ng negosyo at ang mahalaga ay oportunidad na trabaho para sa mga
lokal.
May konting alinlangan lang ang mga tao sa township, mukhang malaking halaga rin ang kailangang ilaan dito. Idagdag pa ang nakikinitang buwanan o taunang pagpapanatili nito dahil tiyak na may mga bayarin na sisingilin. Kaya kaya ito ng mga mahihirap na residente? Isa pa, gaano kasigurado na maipapatupad ang wasto at tapat na pamimili ng mga mabebenipisyuhan? Wala kayang magsamantala dito at may mga papaburang mga tao, higit sa lahat ay baka pagkakitaan lang ito ng mga mapagsamantalang mga opisyal? Napakaganda ng proyektong ito na huwag sanang
masayang at maayos na maipatupad at mapamahalaan.
January 14, 2023
September 20, 2024
September 13, 2024
August 31, 2024
August 24, 2024
August 17, 2024