Malawakang pagbabakuna sa Abra sisimulan na

Sinimulan ngayong araw na eto ang malawakang pagbabakuna ng mga frontline health workers sa probinsya ng Abra matapos dumating ang 5,050 Sinovac Lunes.
Ang simula ng malawakang pagbabakuna kasama ang mga barangay health workers at health emergency response team ay isasagawa habang inaasahan naman ang pagbabalik ni Gov. Jocelyn Bernos sa kanyang tungkulin matapos ang 16-araw na pagpapahinga dulot ng Covid-19.
“Gustong gusto ko ng makabalik sa trabaho,” anya ni Gov. Bernos sa Facebook nung Lunes, ngunit kailangang magnegatibo muna sya sa dalawang RT-PCR test na kanyang kinuha kamakailan. Kasama na rin sa pagbabakuna ang mga kawani ng Departments of Education, Social Welfare and Development at Interior Local Government at ng Bureau of Corrections at Jail Management and Penology ngayong araw.
Ang mga eto ay tumutulong sa pagbibigay serbisyong pangkalusugan ngayong pandemya.
“Vaccination will start tomorrow (March 30),” anya ni National Immunization Immunization coordinatyor Maryjune Adriatico na makikita sa Abra Province Facebook page. Samantala, may 475 Sinovac vaccines naman ang dumating upang maibigay ang pangalawang dosis sa mga naunang nabakunahan noong Marso 8.
Ayon sa Provincial Health Office, tinatayang 1,014 na frontline health workers and nabigyan na ng bakuna.
Pigeon Lobien

Amianan Balita Ngayon