Maliit na hiling para sa maliit na halaga – di mapagbigyan?

May 2, 2022

Tinuligsa ng mga grupo ng mga guro at mga manggagawa sa edukasyon ang 20 porsiyentong buwis sa honorarium at allowances para sa mga guro na magsisilbi sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.
Sinabi ng mga grupo na ang mga guro na ninais na maglingkod at magtrabaho sa halalan sa kabila ng panganib sa seguridad at kalusugan at kahit maliit lamang ang honorarium ay dapat mabigyan ng karagdagang mga insentibo at hindi buwisan.
Napaulat pa na ang mga miyembro ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na dumalo sa training para sa Mayo 9, 2022 elections ay diumano’y binawasan ng PhP200 ang PhP1,000 na ibinigay sa mga guro bilang transportation allowance.
Base sa Resolution 10727 ng Commission on Elections (Comelec), ang honorarium para sa mga guro na uupo bilang mga miyembro ng Electoral Board ay PhP7,000 para sa chairman at PhP6,000 para sa mga miyembro, na may PhP2,000 na transportation allowance.
Dahil dito ay nanawagan ang mga grupo ng mga guro sa Comelec at Department of Education (DepEd), gayundin ang mga mambabatas na hilingin sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na suspendihin ang koleksiyon ng buwis mula sa mgatratrabaho sa halalan dahil ito raw ay hindi makatarungan para sa kanila.
Isa pa raw ay, ang 20 porsiyentong buwis sa honoraria at allowances ng mga Board of Election Inspectors (BEI) ay lubos na babawasan ang itinaas na bayad sa kanila para sa halalan.
Ang pagbubuwis ng 20 porsiyento sa bayad sa magtratrabaho sa halalan ay magreresulta sa netong bayad na PhP7,200, na mas mababa pa ng PhP1,350 kaysa betong bayad sa kanila noong 2019 na PhP8,550 matapos ang 5 porsiyentong buwis ba ikinaltas mulas PhP6,000 honorarium, PhP1,000 travel allowance at PhP2,000 training allowance.
Ang kakarampot na itinaas sa kompensasyon ng mga BEI ay binawi din napakalaki at walang habag na 20 porsiyentong buwis. Yan ang epekto ng TRAIN Law, dahil lahat na lamang ay binuwisan na – kahit pa mga bonus!
Tinutulan ng Department of Finance (DOF) ang hiling na exemption ng 20 porsiyentong buwis sa kjompensasyon ng mga gurong magsisilbi sa halalan na sinabing hindi raw ito ang pinakamagandang paraan upang suportahan ang mga magsisilbi sa halalan.
Dahilan pa ng DOF ay baka raw masama ang maging resulta nito dahil baka raw magsunuran ang ibang may kahalintulad na mga serbisyo na humingi rin ng tax exemption.
Subalit kinontra ito ni Senator Win Gatchalian na sinabing ang Tax Code ay may mga ilang exemptions na. Ang thirteenth month pay ay exempted, kaya ang pag-exempt ay hindi na pangkaraniwan at hindi isang bagay na labas sa tax code. Dahil kung maaaring i-exempt ang 13th-month pay ay maaari din namang i-exempt ang mga premyo at awards sa mga kompetisyon sa palakasan.
Bakit naman hindi magiging mabisa ang minsan lamang sa tatlong taon na exemption sa buwis? Si Gatchalian ang may akda sa Senate Bill 1193 na hinihinging tanggapin ng mga magtratrabaho sa halalan ang buong halaga ng kanilang honoraria, travel allowance at iba pang benepisyo.
Nasa kakaibang posisyon ang mga guro sa pagsisilbi sa mga halalan dahil ito ay labas sa kanilang mandato. Tila ba wala silang pagpipilian sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, sa pinakamahabang panahon tuwing may halalan ay nagagamit sila upang maging maayos at tagumpay ang bawat halalan – kahit pa sa anong sitwasyon.
Mula ngayon (Abril 30), siyam na araw na lamang ay lulusong at sasalang na naman ang nasa 600,000 mga guro para sa national at local elections na walang kasiguruhang makukuha nila ang maliit na hinihiling sa kakarampot na kikitain na kung tutuusin ay tila hindi sasapat sa panganib na kanilang susuungin, idagdag pa ang hindi pa pagkakabawi sa hagupit ng pandemya ng Covid-19.
Ang masakit pa, inaasahan at inaakalang kakampi ng mga guro na DepEd ay wala man lamang magawa at iniwan na lamang ang usapin sa kamay ng ibang ahensiya – ang pagbigay sana ng malakas na suporta ay malaking pampalubag na rin sana sa mga guro.

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest