MANGALDAN, Pangasinan
Naiuwi ng Mangaldan National High School ang over-all champion sa High School Category sa
pagbabalik ng Division Schools Press Conference sa Pangasinan II, noong March 15- 17. Nagpagalingan sa iba’t ibang kategorya ng Journalism ang mga aspiring student journalist mula sa 55 mataas na paaralan mula sa Pangasinan Division 2.
Dito kinilatis ang kani-kanilang galing sa pagsulat ng mga balita kagaya ng News Writing, Editorial, Feature, Science and Technology at Sports Writing sa English at Filipino sa individual contests. Radio Broadcasting, TV Broadcasting at sa pag gawa ng diyaryo sa Collaborative Desktop Publishing at ang bagong naidagdag na Online Publication naman ang pinaglabanan sa group
category.
Matagumpay na nasungkit ng Mangaldan NHS ang panalo sa iba’t ibang kategorya na nagdulot ng kanilang pagkamit sa Over-all Champion at sila ay tutuloy sa Regional Schools Press Conference. Ayon kay Cristy Dispo, guro sa Mangaldan NHS at Coach sa DSPC, “Masaya kasi kahit pano may laya na ulit makasama mga young journalist sa ganitong event. Napa-praktis na ulit ang pagiging journalist ng mga bata Tapos iba kasi ung experience kumpara sa turo lang sa classroom.”
Dagdag pa ni Dispo, “Umaapaw ang saya lalo na kung lahat sana ng contest may nakuha ang school. Imagine, matagal na walang ganap tapos nung bumalik champion pa rin.” Kilala rin ang Mangaldan NHS sa kanilang galing sa Collaborative Desktop Publishing na halos taon taon ay sila ang nagwawagi. Sa pagbabalik ng DSPC muli nilang napatunayan ang kanilang galing sa kanilang
pagkapanalo.
Ayon kay Cindy Trinidad, miyembro ng CDP English team ng Mangaldan NHS, “Masaya po masyado kasi actually po nung na-announce na 1st place kami, naiyak po talaga ako kasi dumaan po sa isip ko ung ilang months na nag-training kami para sa contest. And lahat po
ng mga hardships namin worth it kasi nakapasok kami for regional.”
Ang DSPC ay programa ng Department of Education na naglalayong paigtingin ang kaalaman at kapasidad ng mga estudyante sa larangan ng Journalism at naglalayong turuan ang mga kabataan ng responsableng pamamalita. Matapos ang DSPC, inaasahang gaganapin ang Regional Schools Press Conference sa Alaminos City na lalahukan ng mga student journalists sa buong Region 1.
Joshua Santos-UB Intern/ABN
March 24, 2023
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024