MARIJUANA ERADICATION OPERATION NAGING MATAGUMPAY; P2M HALAGA NG TANIM NA MARIJUANA, NADISKUBRE

Muling naging matagumpay ang isinagawang marijuana eradication operation sa lalawigan ng Kalinga matapos madiskubre ng mga kapulisan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ang isang plantasyon ng marijuana nito lamang, ika-19 ng Hunyo, 2025. Ayon sa ulat mula sa Regional Operations Division ng PRO CAR, natuklasan ang 10,000 fully grown marijuana plants na may Standard Drug Price na PhP2,000,000.00 sa isang communal forest sa Brgy. Loccing, Tinglayan.

Lahat ng nadiskubreng tanim na marijuana ay binunot at sinunog matapos ang dokumentasyon. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng taniman sa mga kalapit na lugar, gayundin ang mga taong responsable sa pagtatanim ng nasabing iligal na halaman. Ang nasabing operasyon ay naging matagumpay sa pagtutulungan ng mga operatiba mula sa 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit at Tinglayan Municipal Police Station ng Kalinga Police Provincial Office, at ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Administrative Region.

(RPIO PRO-CAR)

Amianan Balita Ngayon