MARIJUANA MEDICINE, MAGIGING LEGAL NA BA?

Ang pagiging legal ng marijuana para sa medical at libangan (recreational) na paggamit ay iba-iba ayon sa bansa, batay sa pagkakaroon nito, distribusyon, at pagtatanim, at sa medical kung paano ito maaaring makonsumo at kung sa anong kondisyong medikal ito maaaring gamitin. Ang mga polisiya sa karamihang bansa ay kinokontrol ng tatlong tratado ng United Nations: ang 1961 Single Convention on Narcotic Drugs, ang 1971 Convention on Psychotropic Substances, at ang 1988 Convention Against Illicit Traffic In Narcotic Drugs and Psychotropic Substances.

Mula ng descheduling nito noong 2020, ang marijuana ay nauuri bilang isang Schedule I na droga sa ilalim ng Single Convention treaty, ibig sabihin na ang mga lumagda ay maaaring payagan ang medikal na paggamit subalit ito ay ikinokonsidera na isang nakakasugapang droga na may isang seryosong banta ng abuso. Ang paggamit ng marijuana para libangan ay ipinagbabawal sa karamihan ng mga bansa; subalit, marami ang nagtaguyod ng isang polisiya ng decriminalisasyon upang gawin ang simpleng pagkakaroon na isang non-criminal offense (na kalimitang katulad sa isang menor na paglabag sa trapiko).

Ang iba ay may mas matinding mga parusa gaya ng sa ilang bansa sa Asya at Gitnang Silangan na mga bansa (kabilang ang Pilipinas) kung saan ang kahit kaunting pagkakaroon ay pinaparusahan ng pagkabilanggo ng ilang taon. Ang mga bansang ginawang legal ang libangang paggamit ng marijuana ay ang Canada, Georgia, Luxemburg, Malta, Mexico, South Africa, at Uruguay kasama ang 23 estado, 3 mga teritoryo, at an District of Columbia sa Estados Unidos at ang Australian Capital Territory sa Australia.

Ang komersiyal na pagbebenta ng libangang marijuana ay legal sa buong bansa sa Canada, Thailand at Uruguay at sa lahat ng subnational U.S. jurisdictions na ginawang legal ang pagkakaroon maliban sa Virginia at Washington, D.C. Isang polisiya ng limitadong pagpapatupad ay itinaguyod din sa maraming bansa, partikular sa Netherlands kung saan ang pagbebenta ng marijuana ay kinukunsinti sa mga lisensiyadong coffeeshops.

Ang mga bansang ginawang legal ang medikal na paggamit ng marijuana ay kinabibilangan ng Albania, Argentina, Australia, Barbados, Brazil, Canada, Chile, Colombia, Costa Rica, Croatia, Cyprus, Czech Republic, Denmark, Ecuador, Finland, Georgia, Germany, Greece, Ireland, Israel, Italy, Jamaica, Lebanon, Luxembourg, Malawi, Malta, Mexico, the Netherlands, New Zealand, North Macedonia, Norway, Panama, Peru, Poland, Portugal, Rwanda, Saint Vincent and the Grenadines, San Marino, South Africa, Spain, Sri Lanka, Switzerland, Thailand, ang United Kingdom, Uruguay, Vanuatu, Zambia, at Zimbabwe.

Ang iba ay may mas mahigpit na mga batas na pinapayagan lamang ang paggamit ng tiyak na cannabis-derived na mga pharmaceutical, gaya ng Sativex, Marinol, o Epidiolex. Sa Estados Unidos, 8 mga estado, 4 na mga teritoryo, at ang District of Columbia ay ginawang legal ang medikal na paggamit ng marijuana, subalit sa pederal na antas ay nananatiling ipinagbabawal.
Dito sa Pilipinas kung saan matagal ng isinusulong ng ilan ang legal na medikal na paggamit
ng marijuana sa Kongreso ay tila magkakaroon ng pag-asa ito dahil sa, sa unang pagkakataon
ay mismong ang (bagong) Kalihim ng Department of Healh (DOH) ay kinilala ang mga benepisyo
ng medikal na marijuana na hindi nangyari sa mga nakaraan.

Sa katunayan ay iilan lamang ang tumututol sa pagpasa ng mga nakabinbing panukalang batas sa Kongreso na layong gawing legal ang medikal na paggamit ng marijuana bilang mga gamot. Isang fast-tracked bill ang nasa Kongreso at sa kamakailang pagtatapos ng Joint Cngressional Committee on Dangerous Drugs and Health ay nagkakaisang inaprubahan na ang mga panukalang batas ay maipasa sa isang technical working group, preparasyon sa pagsusumite sa Kongreso para sa deliberasyon sa panahon ng sesyong plenaryo. Sa nasa 10 nakabinbing panukalang batas sa Kongreso at Senado na naglalayong gawing legal ang paggamit ng medikal marijuana ay nakikitang dumarami ang ebidensiya ang nalilikom na nagpapakita ng mga benepisyo nito.

Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, ang paggamit ng medikal na marijuana ay ginagawa na sa napakaraming taon at ito lamang ang “tradisyunal” na gamot na nakahanda kahit sa panahon ng pambansang bayani, Dr. Jose Rizal, na dating “pangkaraniwang medisina” bago ito ipagbawal. Nasa 100 karamdaman at sakit ang maaaring magamit ng marijuana at ito ay klinikal na napatunayan para sa chronic pain, chemotherapy associated with nausea at pagsusuka, multiple sclerosis at intractable epilepsy. Ginagamit din ang medical na marijuana para sa Parkinson’s disease at Alzheimer’s disease. Nagtataglay ang marijuana ng cannabidiol o CBD, na isa sa pinakamahusay na medikasyon para iba’t-ibang karamdaman gaya ng psychosis, schizophrenia.

Samantala, ang grupo nina Dr. Marq Gem Mutia, isang adult medicine specialist at founder
ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine at Dr. Richard Nixon Gomez, isang imbentor,
isang siyentipiko at general amanger ng Bauertek Corporation ay masidhi ring nagsusulong na
maging legal ang paggamit ng medikal na marijuana sa bansa. Ang Bauertek ay isang research,
manufacturing at development company sa Guiguinto, Bulacan na may kakayahan at kapabilidad
na gumawa ng mga medisina mula sa marijuana base sa espesipikong pormulasyon o pangangailangan ng mga pasyente.

Marahil kailangan nating tingnan ang paggamit ng kontrobersiyal na marijuana mula sa mas malaki at pangglobong perspektibo dahil mas dumarami nang mga doktor, mga eksperto, siyentipiko, politiko sa buong mundo ang nagsusulong sa paggamit nito, base sa mga pag-aaral
– subalit sa huli, dapat makontrol ito upang hindi pagmulan ng mas malaki pang problema sa
halip na solusyon.

Amianan Balita Ngayon