EGAY, FALCON, GORING

ME TAMA na naman tayo. Nagtatapos ang Hulyo nang manalasa si Egay, na sinundan agad ni
Falcon. Ngayon naman, si Goring ang bumibisita, kasama ng libo-libong mga turista na nabigyan ng apat na araw na walang pasok, sa klase, sa opisina, at syempre, maging sa mga pribadong
establisimyento. Hindi maikakaila ang pagka-dismaya ng mga residente na Byernes pa lamang, dagsa na ang mga turistang banas na banas na sa kainitan ng panahon.

Maski nga daw umuulan, binabaha ang Kamaynilaan, lalo na ang mga nasa mababang lugar. Pero hindi naman tayo maka-reklamo. Di ba pag maraming turista, sobra ang kasiyahan natin, lalo na ang mga negosyong nabubuhay sa mga turistang walang habas din sa mga ginagastos. Hotel,
restoran, kainang mga lugar, laging okupado. Ang mga shopping mall, nagkakabunguang siko ang
mga tao, sa dami ng mga mala batalyong pamilyang galing sa labas.

Pati mga hardware na tindahan, syempre kandaugaga sa pag-asikaso sa mga turistang binibisita ang kanilang bakasyunang bahay at napapansin ang mga kakulangan ng pag-aayos. Nitong buwang
nagtatapos, malaking bahagi ng kasiyahan ang ilang sunodsunod na long weekend dahil sa mga holidays na nataon hindi lamang sa Byernes kundi pati na rin sa Lunes. Sa susunod na linggo, 3-
day weekend na naman, dahil sa unang araw ng Setyembre, na tumama sa Byernes, holiday
ang Baguio Day. Ano kaya ang porma ng buwang darating?

Kasing dami din ban g mga walang pasok? Gayun pa man, meron pa rin sa atin ang patuloy na
kakabakaba. Inuusisa ang pangunahing bisita ng tatlong taong singkad na. Eto na nga si Pinoy at Pinay, punong abala sa mga paghahanap-buhay. Tapos, itatama pa ang hindi maiwaksi sa kamalayan. Kinukumusta si CoVid. Eh bakit nga kasi si covid ay naririyan pa rin. Nag-aabang ng mga mahahawahan. Hindi ba’t paisa-isa, padalawa-dalawa ang mga bagong kaso sa arawaraw dito sa lungsod.

Hindi maikakaila na importante sa atin ang lumalaban para sa buhay at sa hanap-buhay. Lahat nga naman ay nagmamahalan — bigas, sibuyas, kamatis. Pati na aratiles ay binibili na rin. Pamatid-gutom nga naman. Kaya naman, nakakabahala ang balitang nandyan pa si Covid, may bagong variant na muling maghahasik ng pangamba at lagim sa isang sambayanang lampas dalawang
taong singkad ang nanalasa sa atin.

Kakaiba nga naman ang sitwasyon sa atin dine sa Baguio. Padala-dalawa ang average count ng new cases. Gayong pa-lima-lima na ang akyat ng numero, para pa ring dos por dos ika nga. Tuloy pa rin sa pagaasikaso at pagsasa-ayos si MBBM sa mga sandamakmak na tungkulin ng kanyang tanggapan. Mga VIP guests sa iba’t ibang mga lugar. Mga opisyal ng ibang pamahalaang local.

At maging mga miyembro ng gabinete ni PBBM, eto paboritong pasyalan ang Baguio. Paboritong puntahan upang bulagain ng mga ginagawa upang Smart at Safe City ang lungsod. At si CoVid? Lupaypay na raw. Naghihingalo. Ika ng ng Pangulo, bilang na ang mga araw.

Amianan Balita Ngayon