Mas maraming lodging house sa Baguio ang nakakuha ng DOT certification

LUNGSOD NG BAGUIO – Mas marami pang bahay ang tuluyan sa lungsod na ito ang nabigyan ng akreditasyon ng Department of Tourism (DOT) habang patuloy ang pagtanggap nito ng mga bisitang mamamasyal.
Sinabi ni Supervising City Tourism Operations Officer Aloysius Mapalo noong Miyerkoles na 374 accommodation establishments, transient houses, at home-stays ang nabigyan ng certificate of accreditation o certificate of compliance ng DOT office sa rehiyon ng Cordillera.
Ang sertipikasyon ay patotoo na ang establisimiyento ay nainspeksiyon at nasunod ang basic health at safety protocols. Sinabi ni Mapalo na ang bilang ng mga establisimiyento na nabigyan ng sertipikasyon ay nananatiling mababa kumpara sa mahigit 1,000 transient houses sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod na nagooperate bago ang pandemya.
Sinabi niya na kasama ang personnel ng DOT-Cordillera ay patuloy sila sa pagsasagawa ng ocular inspection sa mga establisimiyento na nag-apply para sa isang certificate.
Ang patuloy ng pag-isyu ng certificate ay bahagi ng pagpupursige ng gobyerno na buhayin muli ang industriya ng turismo, na lubhang naapektuhan ng pandemya, gayundin ang ekonomiya ng lungsod.
Ipinakita ng datos mula sa city tourismoffice na ang tourist arrivals ay tumaas mula sa 500 sa pagtatapos ng Abril sa halos 1,400 sa pagtatapos ng Mayo.
Mula Hunyo 1 hanggang 13 ay nakapagtala ang lungsod ng mahigit 2,900 tourist arrivals matapos ibaba ang estado ng community quarantine status ng National Capital Region (NCR) Plus bubble.
Sinabi niMapalo na ang dami ng tourist arrivals ng lungsod ay mula saMetroManila at mga karatig rehiyon nito. May pagtaya ang mga opisyal ng lungsod na 70 porsiyento ng mga turista sa Baguio ay nagmula sa NCR.
Dahil sa pagtaas ng tourist arrivals sa nakaraang ilang linggo, nakuhang marating ng mga establisimiyento ng akomodasyon ang kinakailangan nilang 50-porsiyento na kapasidad base sa umiiral na community quarantine guidelines na inisyu ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon