Suicide cases tumaas sa Baguio

BAGUIO CITY – Naalarma ang city government ang biglang pagtaas ng bilang ng suicide cases sa unang semester ng taon na dulot ng negatibong impact sa kasalukuyang dinaranas na coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa mental health ng tao.
Sinabi ni City Social Welfare and Development Officer Betty Fangasan, na mula Enero to date ay siyam na 19 documented suicide incidents
ang naitala, kumpara sa 24 kaso sa kabuuang taong 2020.
Ayon kay Fangasan, sa nasabing bilang ay 16 ang male at 3 ang female, samantalang sa majority cases ay nasa edad 20 hanggang 30 at ang panguahing dahilan base sa kanilang imbestigasyon ay ang stressful life event, mental health issues or disorders, family at financial problems, na humantong sa depression.
Aniya, agad silang nagsasagawa ng psychological first aid sa mga pamilya ng suicide victims para sa healing process at maiwasan ang emotional at psychological trauma upang maiwasan din ang contagion effect na gaya ng tragic at traumatic incidents mula sa tulong ng Philippine Mental Health Association (PMHA) at City Health Services Office (CHSO), na may kakayahan o’ ekserto para isagawa ang interventions sa mga family members.
Nilinaw din nito angmga napaulat na ang mga suicide cases ay dokumentado base sa insidente na iniulat ng concerned authorities at mahalaga umano na ipaalam ito ng family members para sa agarang kaukulang interventions, upang maibasan ang anumang trauma na dulot ng insidente.
Nanawagan din si Fangasan sa mga residente na nakakasaksi sa unusual behavior ng kanilang family members o’ kapitbahay na agad humungi ng assistance sa neighbors concerned authorities upang maisagawa ang agarang interventions at maiwasan agad tangkang pagpapakamatay ng isang biktima.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon