“Itigil na ang mga Lockdown; Masanay nang mamuhay sa panahon ng pandemya.”
Hinimok ni Senador Imee Marcos ang pamahalaan na itigil na ang mga lockdown para makontrol ang Covid-19 pandemic at sa halip inirekomendang pagbutihin ang ‘testing capacity’ ng bansa para maagang matukoy ang mga kaso ng impeksyon at agad na maihiwalay.
“Layunin nating masanay na mamuhay kasama ang virus kaysa piliting makamtan ang target na zero-Covid. Hindi nasusugpo ng mga lockdown ang virus, nakokontrol lang,” paliwanag ni Marcos.
Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate committee on economic affairs na dapat seryosong mapondohan ang ‘testing capacity’ ng Pilipinas sa ilalim ng 2022 budget para mapigilang “makaabala sa ating kabuhayan, paghanap ng kikitain, at sa paglago ng ating ekonomiya.”
Kinikilala ni Marcos na nagawang mapababa ng gobyerno ang paglobo ng natatamaan ng virus mula nang pairalin ang lockdown noong Agosto, pero dagdag nito, kung hindi mai-improve o mapapabuti ang testing capacity ng bansa para bantayan ang mga nakamit laban sa virus, matetengga na lang ang bansa sa mga paulitulit na alert level at mga quarantine protocol.
Ang paglobo ng Covid-19 sa bansa, na may pinakamataas na naitala sa bansa na 2.04 noong Marso 2020, ay bumaba na mula sa taas na 1.32 percent nitong nagdaang Marso tungo sa 0.52.
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025