BAGUIO CITY
Bagamat patuloy ang mga pagsisikap, nananatiling mababa ang antas ng pagbabakuna sa Cordillera, na umabot lamang sa 20.72% noong Abril, malayo sa pambansang target na 95% ngayong taon,ayon sa Department of Health-Cordillera. Ayon kay Dr. Alicia Castro, medical officer ng National Immunization Program saCordillera, ang vaccine
hesitancy, dulot ng takot at maling impormasyon, ang isa sa mga pangunahing balakid. Upang labanan ito, inilunsad ang SHIELD initiative, na naglalayong pag-isahin ang datos mula sa pribado at pampublikong sektor para sa mas
epektibong pagsubaybay at pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.
Katuwang nito, ipinatutupad din ang Vaccine Champions Playbook, isang programa na nagsasanay at nagbibigay-kakayahan sa mga miyembro ng komunidad upang maging tagapagtaguyod ng bakuna at labanan ang maling
impormasyon. “Amin pong layunin na labanan ang maling impormasyon at pag aalinlangan sa bakuna,” pahayag ni Dr. Castro. “Sa pamamagitan ng Vaccine Champions Playbook at iba pang mga inisyatibo, nais nating palakasin ang tiwala ng komunidad sa pagbabakuna at protektahan ang ating mga mamamayan, lalo na ang mga bata, laban sa mga nakamamatay na sakit.”
Jasmin Alaia Legpit/UC-Intern