MAY INAASAHAN BANG NGIPIN ANG NEA?

Kung hindi nababahala ang National Electrification Administration (NEA) sa mahigit nang isang taong gusot sa pinaglalabanang posisyon bilang General Manager ng Benguet Electric Cooperative
(Beneco), ang mga consumermembers ay lubos nang nababagot sa kawalangaksyon nito sa isyu.
Mismo sa pagdinig noong Disyembre 5 ng House Committee on Energy at sa pagkumpirma kay Energy Secretary Raphael Lotilla noong Disyembre 7, ipinanawagan ni Rep. Rodante Marcoleta na resolbahin ng NEA ang sigalot sa Beneco, dahil ayon sa batas ay tanging NEA ang may mandato bilang tagapangasiwa ng lahat ng electric cooperatives sa buong bansa.

Kung nagawang ipaupo ng NEA sa Isabela I Electric Cooperative (Iselco I) si Atty. Karen Abuan bilang acting general manager bilang kasangkapan ng pamahalaan sa pagsasaayos ang Iselco I,
ano ang sagka upang hindi pa sipain sa pwesto si Engr. Melchor Licoben ng Beneco? Mismong si Sec. Lotilla, na Chairman of the Board ng NEA, ang nangako noong Miyerkoles sa pagdinig ng
kanyang kumpirmasyon bilang Kalihim ng DOE sa Commission on Appointments (CA) na
tutuldukan na sa lalong madaling panahon ang gusot sa Beneco.

Ipinangako ni Sec. Lotilla kay Rep. Marcoleta na ipapatupad ang desisyong si Atty. Rafael lamang ang general manager ng Beneco at hindi maaring dalawa ang uupo dahil walang anumang legal
impediment gaya ng TRO ang nagbabalewala sa appointment ng NEA kay Rafael kahit may
dinidinig na kasong isinampa nila Licoben sa Court of Appeals patungkol dito. Sapagkat kung hindi
sundin ng NEA ang sarili nitong desisyon sa pamamahala sa Beneco, ano ang pipigil sa mamamayang naapektuhan sa gusot upang hilinging buwagin na ang NEA at manaig ang mga
kapritso ng Board of Directors ng naturang kooperatiba?

Magsilbi sanang babala sa NEA na kung hindi ito magampanan ng maigi ang katungkulan nitong mahusay na pamahalaan ang mga electric cooperatives sa bansa, ayon kay Rep. Marcoleta’, hindi
magtataka itong may magpanukalang buwagin na ito sa Kongreso. Ninanais ba ng NEA na dahil sa kapabayaan nito’y magkanya- kanya na ang mga electric cooperatives at manatiling pamamahalaan na lang sila ng sari-sarili nitong Board of Directors?

Amianan Balita Ngayon