May kahihinatnan ba ang IPRA sa kabuuan?

Nov 4, 2017

Dalawampung taon na ang nakalipas mula nang ipatupad ang Republic Act 8371 o ang Indigenous People’s Rights Act (IPRA) ay pinaniwalaang magbubukas ito ng mas higit na oportunidad para sa mga katutubong Pilipino at mabigyan ng kapangyarihan ang komunidad na dating itinuturing na mahina at mababa.
Maaaring sa loob ng dalawampung taon ng pagkakaroon ng IPRA ay nagising ang pambansang kaunawaan na humuhubog ng isang kulturang rumerespeto sa Indigenous Peoples (IP) at sa kanilang mga kaugalian at paniniwala. Unti-unting nakilala at tinanggap ang mga katutubo, nabawasan ang diskriminasyon at nabigyang-pansin ang agwat na dating umiiral sa mga Pilipino na hinahati ng iba’t ibang kultura.
Nabigyan ng oportunidad ang mga IP sa pangkabuhayan, sa edukasyon at nabigyan ng pagkakataon na mapalakas ang kanilang kapasidad at potensiyal sa pangunguna upang makalikha ng positibong pagbabago at makabuluhang pag-unlad sa mga komunidad ng IP’s.
Napakagandang pintuan at oportunidad ito para sa mga katutubo na halos siyam na taon ding mainit na pinagdebatehan at maraming pagbabago sa kongreso ang IPRA subalit isa sa pangunahing rason ay ang panawagang respetuhin ang “ancestral domain” ng mga katutubong tribo, kilalanin ang mga hangganan ng ancestral domain at ihiwalay ito sa public domain. Sa madaling salita ay ibigay sa kanila (IP) ang pag-aari sa kanilang minanang lupain.
Subalit tila nanganganib pa rin ang karapatan ng mga katutubo dahil sa nais ng ilan na muling tawagin silang pambansang minorya sa kabila ng ipinaglaban na tingnan at tawagin silang Indigenous Cultural Communities/IPs at sa Cordillera ay malaking problema pa rin ang usaping ancestral domain na balak muling ipamahagi na wala naman sa usapan ng malikha ang batas ng IPRA.
Nasa kabuuang 14 milyon na IP’s sa bansa at maliit na bahagi lamang nito ang nakakaalam tungkol sa IPRA at kapag nanatili ito ay magiging mahina ang pagkakaisa ng mga katutubo upang ipaglaban ang kanilang karapatan kahit pa ginarantiyahan ito sa ilalim ng batas. Wala nga namang silbi ang batas kahit pa alam natin ito kung hindi naman natin tarok ang mga napapaloob sa batas na ito. May hawak nga tayong baril subalit wala namang bala ito.        PMCJr

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest