Nangyari sa Marawi, sino ang dapat sisihin?

Nov 4, 2017

Tapos na ang giyera sa Marawi. Nagkalasug-lasug  na nga eh. Wasak na wasak na ang mga kabuhayan ng mga apektadong residente. Maraming buhay ang nagbuwis. At sa kasalukuyan, may mga terorista pa ring naiiwan at lumalaban sa mga otoridad. Di man kalakihan ang banatan, masasabi nating humupa na ang giyera. Tapos na ang bombahan. Tapos na din kaya ang pangamba? Palagay namin,  hindi pa. Malayo pa ang hahantungan ng pangambang yan. Pangambang baka muli silang makabuo ng Maute-Isis group. Pangambang hindi na sila makakabawi sa kanilang mga nawalang kabuhayan  at pangambang malilimutan sila kahit hindi pa tapos ang tunay na rehab. Pero sandail lang, pards, sino ba kasi ang dapat sisihin sa nangyari sa Marawi?

*****
Ayon kay Pres. Duterte, bago ang 2-day mission niya sa Japan, aakuhin niya ang lahat. Ibig sabihin, handa siyang panagutan ang nangyari sa Marawi dahil siya ang nag-utos na durugin ang mga terorista. At sa pagdurog sa mga teroristang Maute-Isis, kasamang nadurog ang maraming bahay, negosyo at buhay. Matigas ang kanyang paninindigan na aakuhin at pananagutan niya ang naganap na giyera dahil kagustuhan niyang wakasan ang terorismo sa naturang lugar. Kaya nga idineklara niya ang Martial Law sa Mindanao upang masupil ang terorismo sa naturang rehiyon. Alam niya kasing matagal na panahong  mga terorista ang sakit at salot sa pag-unlad ng Mindanao. Kaya ngipin sa ngipin, lakas sa lakas na ang ginamit. Tagumpay naman sa Marawi bagama’t marami ang nasawi at nasirang kabuhayan. Ngunit mas matimbang ang katahimikan at pagkadurog ng mga terorista alang-alang hindi lang sa Mindanao kundi para sa buong bansa sa darating pang panahon.

*****
Sabi ng ilan, si Digong daw ang dapat sisihin sa nangyari sa Marawi. Bawi naman ng marami:  siya ba ang nagdala ng mga Maute-Isis sa Marawi? Hindi ba’t may mga Maute na noong panahon ng mga nakalipas na administrasyon? Ano ang kanilang ginawa? Bakit nila hinayaang nagpalaki ng puwersa ang mga terorista? Kung sana  nadurog na ang mga ito, wala ng problema si Pres. Duterte, di ba? Tama si Digong nang tanungin niya kamakailan: papaano nakapasok ang mga teroristang Maute-Isis sa Marawi? Kung walang nagpapasok at tumulong sa kanila, may siege bang naganap? Tsk tsk, di dapat humantong sa sisihan. Ginampanan lamang ng isang pangulo ang kanyang tungkulin na iligtas ang kanyang mamamayan sa kuko ng mga terorista. Hindi lang para sa kanyang termino ito kundi para din sa sumusunod na termino at lahi ng bansa. Hindi niya pinalala ang sitwasyon kundi gumawa siya ng dapat na aksiyon at pagkilos upang supilin ang mapanirang terorismo.  Ang kaso, lumalabas na siya raw ang may sala.

******
May namuo raw na clamor kamakailan. Na ano? Kakasuhan daw (class suit) ng mga residente ng Marawi si Digong dahil sa sinapit nila nang magkagiyera. Giyera daw ni Digong ito laban sa mga terorista, at hindi raw sila (residente) dapat madawit at maging biktima ng madugong giyera. Ipaglalaban daw nila ang kanilang karapatan kontra gobyerno.  Ayon naman kay Duterte, may karapatan ang bawat mamamayan sa Marawi sa kanilang plano. Pero dagdag ng pangulo: handa niyang harapin ang lahat. Daplis naman ng mga analyst:  nang giyerahin tayo ng Japan at maraming buhay at kabuhayan ang nagbuwis, anong ginawa ng gobyerno ng Japan? Hindi ba’t hanggang sa ngayon, nagbabayad pa rin ang nasyong ito sa pamamagitan ng iba’t ibang assistance sa ating bansa. Hindi tinukoy kung aling lugar ang dapat bayaran kundi bansa na ang usapan. Ibig bang sabihin na hindi indibidwal ang usapan sa mga biktima ng giyera sa Marawi kundi buong lungsod ang usapan kung rehab ang basehan? Magulo pa rin ang lahat. Abangan na lang natin ang susunod na kabanata. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

KALAMIDAD KAKAMBAL NG TRAHEDYA

Di pa nakakalayo ang bagyong Karding, pumasok na naman ang isa pang sungit ng panahon sa dulong Luzon. Buti na lamang at pa-exit na habang...

IT IS WAR

A Regional Trial Court in Manila has just rendered a decision that the Communist Party of the Philippines and the New Peoples Army...

THE MAKING OF FESTIVAL

The gongs will sound anew for Tam awan Village for the 12th TamAwan International Arts Festival (TIAF) on October 5 to 9, 2022. Heritage,...

BAGONG MUKHA NG UMAGA

WALA NG PAGAGAM ang buong kamunduhan na papalapit na ang bagong umagang matagal ng hinihintay, ang tuluyang pagtuldok sa pandemyang lampas...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest