LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Opisyal na iginawad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Provisional Authority sa Central Ilocos Transport Service Cooperative (CITRANSCO) na mag-uumpisa ngayon Agosto 27, na may 15 taxi units sa isang programa na idinaos sa City Hall noong Agosto 26 dito. Pinatunayan at inihanda ni Regional Director ng LTFRB Region 1 Nasrudin Talipasan na pumasa ang lahat na legal, technical, at financial requirements ng CITRANSCO.
Sa gitna ng COVID-19, ang 15 taxi na ito ay ikinonsiderang kaligtasan ng mga pasahero maliban sa facemask at face shield na hinihingi, kaya may sanitation bottles na inilagay sa mga upuan ng mga pasahero, at gayundin may plastic barrier na alinsunod sa minimum health standards na ipinapatupad ng Department of Health at DOTr.
Ayon kay Talipasan sa pamamagitan ng LTFRB, may posibilidad na itaas ang bilang ng mga taxi na bumibiyahe sa La Union. Pinapayagan din ang mga taxi na ito na makarating sa alinmang point-to-point destination sa Rehiyon 1, subalit dahil sa umiiral na community quarantine guidelines ng probinsiya ay may restriksiyon sa pagbibiyahe sa ibang probinsiya dahil sa pansamantalang lockdown. Sa maikling programa na pinangunahan ng LTFRB maliban kay Talipasan ay ibinahagi ni Engr. Elmer Acapuyan, chairman ng CITRANSCO na sa kabila ng tatlong-taon na proseso sa kooperatiba ay makakapagbigay na sila ng makabagong uri ng transportasyon sa mga mamamayan ng La Union.
Dumalo rin ang mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Alfredo Pablo R. Ortega, Vice Mayor Chary Nisce at iba pang opisyal at kinatawan ng Department of Transportation (DOTr) at Provincial Government ng La Union (PGLU) at mga driver ng CITRANSCO.
Kasama rin sina Chairperson of Committee on Transportation City Councilor Ramon Ortega, City Councilor Atty. Ernesto Rafon, at League of Barangay Vice President Ram Ortega. Nagpasalamat si Mayor Ortega na mayroong taxi cabs ervice bilang karagdagang pampublikong transportasyon sa probinsiya, maliban sa dati nang mga bus, jeepney at tricycles.
“As support to the Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) of DOTr and Local Public Transport Plan, modern transportation is proof of having Smart Mobility and big steps toward Smart City of San Fernando,” ani Ortega.
Sinabi ni Joel Flores isa sa mga taxi driver at residente ng Barangay San Francisco ng lungsod na ito na kasalukuayng nagtratrabaho siya bilang food beverages assistant sa isang establisimiyento at pinasok niya ang pagmamaneho bilang karagdagang pagkakakitaan dahil sa epekto ng pandemya sa industriya ng hotel at turismo. Hinihikayat ng LTFRB ang publiko na mag-book ng taxi sa mobile number 09661953688 (Globe) at 09478663114 (Smart) at gayundin sa official Facebook page ng CITRANSCO: www.facebook.com/ citransco. cooperative.180.
Sa kanilang aprubadong prangkisa, PhP40 ay ang flagdown rate na tataas sa PhP13.50 bawat kilometro at PhP2 sa bawat minuto na nakatigil ang taxi.
ER-LU/PMCJr.-ABN
August 29, 2020
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025