MAYOR MAGALONG INUTUSAN NA LINISIN ANG PARKING LOT SA BURNHAM DAHIL SA UMAALINGASAW NA MABAHONG AMOY

BAGUIO CITY

Inutusan ni Mayor Benjamin Magalong ang tanggapan ng City Market Division ng City Treasure na
linisin ang parking lot sa may Burnham Park na kung saan ay nakapwesto ang mga ilang vendor ng pagkain tuwing night market dahil sa reklamo ng iloang mamamayan na may umaalingasaw na mabahong amoy sa nasabing lugar na kung saan ay ginagawang parkingan naman sa araw.

Agad na inatasan ni Magalong si Market Supt. Ceasar Emilio na magsagawa ng general clean up sa nasabing lugar upang mawala ang amoy nito na siyang naging dahilan upang magreklamo ang mga
taong nagpaparada sa nasabing lugar. Mayor Benjamin Magalong directed Market Supt. Ceasar Emilio to conduct general cleaning on the area following complaints of foul odor emanating from some sections.

Ayon kay Emilio nagsagawa agad sila ng paglilinis at nagsagawa pa sila diumano ng pagdisenfect sa
parking lot area at flushing upang tuluyan na masanitize aniya ang lugar. Ang pag disinfection sa
area ay isinagawa ng tanggapan ng City Health Office na tumulong upang agad na malinisan ang parkinglot area sa may Burnham Park . Dahil dito ay nakipagpanayam na rin si Emilio sa lahat ng mga vendor sa gabi na nagbebenta ng mga pagkain na isaayos ang pagtatapon ng mga basura at mga natirang pagkain sa tamang basurahan lalong lalo na aniya ang mga liquid garbage na kung minsan ay naiiwan sa loob ng parking lot.

Inatasan din ni Emilio si Sisinando Monderin, team leader ng mga food vendor sa loob ng
Parking Lot na magsagawa ng meeting upang sabihan ang mga vendor sa maayos na pagtatapon ng mga basura at dapat aniya linisin nila ang mga lugar nila pagtapos ng kanilang pagtitinda. Sinabi pa ni Emilio na “They were instructed to segregate their wet and dry wastes. The wet ones should be properly wrapped to avoid leakage and left at the parking for immediate pick up by the CEPMO (City Environment Parks and Management Office), before 5 a.m.,” . Inagahan na rin ng hauler ng
mga basura ang pagkuha ng mga basura upang magkaroon pa ng sapat na oras ang mga vendor
na maglinis sa kanilang lugar.

Aileen P. Refuerzo/ABN

Amianan Balita Ngayon