Mayor ng Paracelis, sinaksak sa Isabela

MOUNTAIN PROVINCE – Sugatan si Mayor Avelino Amangyen ng Paracelis, Mountain Province matapos itong sinaksak ng hindi pa nakikilalang suspek sa Santiago City, Isabela hapon ng October 10, 2017.
Ayon kay Amangyen, bumalik siya sa nakaparadang sasakyan sa harap ng isang bangko na pag-aari ng gobyerno upang magpahinga pagkatapos mag-encash ng tseke, habang naiwan sa loob ng bangko ang ipa pa niyang kasamahan.
Habang nagpapahinga, dumating ang suspek at binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan at sinaksak ang mayor bago tumakas.
Itinakbo si Amangyen sa isang lokal na hospital.
Ayon sa pulisya, naglunsad sila ng manhunt habang naghahanap ng kasagutan sa pag-atake sa mayor. Tinututukan ng mga imbestigador ang posibleng robbery-hold-up, personal at politikal o kaugnayan sa trabaho ng naganap na pananaksak. ACE ALEGRE / ABN

Amianan Balita Ngayon