MAYOR SALDA, INILATAG ANG LEGACY

LA TRINIDAD, Benguet

Sa pagtatapos ng ikatlong termino ni Mayor Romeo K. Salda, bilang Ama ng bayan ng La Trinidad ay ipinagmamalaki nito na kanyang ipinagpatuloy ang mga programa na inumpisahan ng mga naunang executives. Sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino ay ibinahagi nito sa kanyang mga kababayan ang kanyang mga naging
pangunahing proyekto na naipatayo na gaya ng MDRRM Building, Tourism Building, at ang Rural Health Unit(RHU) sa Puguis, La Trinidad at ang Senior Citizen Building.

Sa ngayon din ay nagsisimula na ang pagpapatayo ng apat na palapag na Expansion Building at Trading Post. Sa isang panayam kay Mayor Salda, “Due to pandemic, we have sacrificed a lot.” Aniya, sa kabila nito ay nakatanggap ang LGU- La Trinidad ng P73 Milyon mula sa National Tax Allocation at ang 45 percent mula rito ay napunta sa personal services at ang 55 percent naman ay pupunta sa mga programa ng iba’t ibang department heads ng ahensya tulad ng agriculture, social services, health services, education, at mga infra projects.

Inaasahan niya na kung sino man ang papalit sa kanya ay ipagpapatuloy din nito ang mga naiwang proyekto ng
munisipyo, upang ganap na makamit ng bayan ang maunlad na pamumuhay at mabuting serbisyo sa komunidad.

Kris Angel Ngayawon/UC-Intern

Amianan Balita Ngayon