Maituturing daw na “lumang” tugtugin na ang nangyayari sa agawan sa teritoryo sa West Phil. Sea. Ang palagiang “bago” ay ang pabago-bagong presyo ng bilihin. Kakarampot lang na pagtataas ng sueldo, presyo ng produktong petrolyo, presyo ng mga inaangkat na pagkain….sunod o sabay agad ang presyo ng mga kabuhayan at apektado pati na ang pa empleo. Ganito na ba tayo sa makabagong panahon? Sabi nga nila…ang buhay ng tao sa mundo ay sumasabay sa agus ng tubig. Call kami diyan, pards. Sa NCR nga, siglo na ang nagdaan pero tubig pa rin ang problema samantalang sa ibang lugal gaya ng Switzerland, Italya, Fransiya at karatig lugal ay “binabaha” dahil sa sungit ng panahon.
Sige, magbusisihan tayo: Kamakailan, aprubado na ang P35 daily minimum wage hike sa Metro Manila. Hindi lang mga apektadong mga manggagawa ang umangal. Pati na ang Kongreso at mga senador. Ika nila, hindi eto sapat dahil sa hirap ng pamumuhay. Ang kantidad ay mula sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board. Pinag-aralan daw nilang maigi. Pero mas marami ang nagsasabing sobrang “payat”. Sabi ng mga nakakaunawa…kasi nga naman daw, kapag “mataba”ang bigay sa mga empleado….malaking epekto ito sa mga mga pagawa o “employers”.
Malamang raw na magkakaroon ng bawas empleado kung susundin ang mataas na pasahod. Kaya raw binabalanse. Ang tanong: kung ganyan kaliit ang umento sa sahod sa malalaking lugal (NCR) baka naman malayong mas maliit na sa mga kanayunan. Abangan. Ang pinakabagong kaganapan sa edukasyon. Kamakailan, nagbitiw bilang Dep-Ed Secretary si VP Sara Duterte. Napaulat ding nahirapan diumano si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagpili ng kapalit. At sa wakas ay napili nya si Senador Sonny Angara. Dighay agad ng marami: sana may pagbabago na sa Dep-Ed dahil alam ng lahat na napakaraming problema sa naturang ahensiya.
Nariyan ang kakulangan sa silid-aralan, sa mga pangangailangan ng mga guro, sa mga guro mismo at maraming iba pa. Mababago na kaya ang Dep-Ed sa tulong ng pinakamalaking budget (P924.7Bilyon) sa pinirmahang Trilyones na budget para sa taong 2025? Sabagay, angkop talaga ang kakayanan ni Sen. Sonny Angara sa bago nitong posisyon. Nagtapos siya ng Master of Laws sa Harvard University, Bachelor of Laws sa University of the Philippines, at Bachelor of Science in Economics sa London School of Economics. Good luck!
Sa pulitika, ito ang pinakabago: tatlong Duterte daw ang tatakbo sa mid-term election 2025. Sila’y sina dating
pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at dalawa nitong anak na sina Baste at Paulo. Si VP Sara ay tatakbo raw sa pagka mayor uli sa Davao City. Ang ulat mula mismo kay VP Sara na nakuha raw niya sa kanyang “ina”. Agad namang sinupla ni Digong ang ulat ng anak. Hindi raw mangyayari ito, sabi niya at huwag paniwalaan si “Inday”. Kung dito naman sa lokalidad (Baguio City)…naghahanda na rin ang iba’t-ibang grupo para sa lokal na halalan.
Sa pang kongresista, sabi nila may dalawang babae raw ang papasok at dalawang lalaking datihan. Sa pagka-mayor
naman…sabi ng mga ulat na tatlo raw sila kasama ang isang babae. Abangan. Ang isa pang bago na dapat sundan ay ang ulat na “nagkasundo” raw ang China at Pilipinas kontra organized crimes. Nagpulong kasi kamakailan sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Exec. Sec. Lucas Bersamin, chairman din ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at nagkasundo sila na palawakin pa ang pagpapatibay ng ugnayan
sa paglaban sa transnational criminal activities.
Ikinatuwa ito ng China sa naging hakbang ng Pilipinas para labanan ang illegal offshore gambling at pag-rescue sa mga Chinese nationals. Saludo po tayo sa hakbang nga dalawang bansa bagama’t may agam-agam pa rin tayo hinggil
sa gusot sa teritoryo. Hindi pa nila napapaqg-usapan ang hinggil sa mga kaganapan sa West Phil. Sea lalo na sa
pinakahuli na kung saan isang miyembro ng Phil. Navy ang naputulan ng daliri. Sana magkasundo na rin ang China at bansa natin para lunasan ang tensiyon sa WPS. Adios mi amor, ciao, mabalos.
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025