“Initially, during the first 15 days, sawayin muna ‘yung mga tao, bigyan ng reminder. Hindi naman po kaagad-agad (we’ll just tell people off, give them a reminder. It won’t be implemented right away),” LTFRB Chairman Teofilo
Guadiz III said in a DZBB radio interview on Monday, April 29. RAPPLER APR 29, 2024 8:40 PM PHT BY LANCE SPENCER YU.
“Sa batas po, bago mo bawiin ang prangkisa ng isang sasakyan or bago mo ito iimpound muna, bigyan mo muna ng show cause (According to the law, before you revoke the franchise of a vehicle or before you impound it, you must first issue a show cause),” said LTFRB Chairman Teofilo Guadiz. “Paggalang po ito sa kanila at pagbibigay ng warning muna po ito kaya sana po ay hindi na po kami humantong sa puntong iyan na kailangan pa naming iimpound ‘yung mga sasakyan nila (This is in respect to them and to give them a warning first, so I hope we don’t end up at that point where we have to impound their vehicles).”
BY JEL SANTOS Apr 12, 2024 06:06 PM, MANILA Bulletin. “Bibigyan pa ‘yan ng show cause, sasagot pa sila (They will still be given a show cause, and they still have to answer),” So it will take a few days, maybe a week or two, para
sila ay finally masasabihan o mabibigyan ng information na sila ay wala nang prangkisa at sila ay hindi na pwede pumasada (that they will be finally told or given information that they no longer have a franchise and that they
can no longer operate),” Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Ferdinand Ortega.”
Third Anne Peralta-Malonzo, Kaiser Jan Fuentes Apr 30, 2024, 8:11 pm, SUNSTAR Sa problema ng consolidasyon para sa modernisasyon ng mga jeepney…di kaya mauuwi lang ito sa KUNSUMISYON? O. inis na ba kayo o nababanas sa isyu? Kay Pastor Quibuloy naman tayo baka marelaks kayo. Nasaan na ba siya? Di pa nahuhuli. May nagsabi na nandito lang daw siya Sa Pilipinas. Ganerns? Eh, bakit di pa nahuhuli? Marami ng kaganapan sa nakalipas na mga araw. Gaya ng sinasabing pagkumpiska sa lahat ng kanyang mga rehistradong baril (19 daw) pati na ang kanyang mga alipures na meron nito.
Kung saan saan naraw naghanap ang mga otoridad, pero zero pa rin sila. Ang nakakatawa at nakakainis pa ‘kamo, pards…ay gumawa pa si pastor ng palaisipan kung papano daw sya mahahanap. Maryusep…parang sinasabi na may katangahang nangyayari. Ang liit na Pilipinas…kung talagang narito siya…imposibleng hindi siya mahanap? Ang galing naman niyang magtago at magaling din yong kung sino ang kumukupkop sa kanya, di ba? Dito papasok ang lohika ng mga Ilokano na: “kitkitaenka tattay ngem dika met makita!”.
TORPE. He he..ngiti na lang, pards bago ka ma-heat stroke. Si Rep. Teves naman na diumano ay nasa likud ng pagpatay sa isang gobernador at iba pa…nahuli na sa Temor Leste. Pero hindi pa naiuuwi? anong ginagawa ng extradition treaties? Pati nga ang dating Bucor Chief na si dating pulis Bantag…at large pa rin, di ba? Sinuyod na raw lahat ng mga puwedeng pagtaguan pero, wala pa rin. Sus, ginoo…pag ganitong lagi ang mga eksena, anong mangyayari sa ating hustisya?
Di kaya darami pa ang malalaking krimen, total, hindi naman daw nahuhuli at napaparusahan? Totoo yata ang
upak ng marami….kung sisiw ang nakagawa ng krimen, kulong agad o kaya baka bitay agad. Pero kung malaking
buwaya, bungi raw ang ngipen ng batas. NABIBILI NGA BA ANG KALAYAAN?. Lord…kasihan mo kami. Adios mi amor, ciao, mabalos.
May 4, 2024
May 4, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024