LA TRINIDAD, BENGUET – Nagsama-sama ang iba’t ibang organisasyon ng kababaihan sa isang programa na bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month noong Marso 8, 2018 sa Benguet Provincial Capitol.
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “We make change work for women.”
Sa naturang aktibidad ay tinalakay ang mga karapatan at obligasyon ng kababaihan. Ayon kay Janet P. Armas, OIC-regional director ng Department of Social Welfare and Development sa Cordillera, ang mga kababaihan ay nilikha dahil sila ay mayroong layunin. Hangad niyang ang mga kababaihan ay magkaisa at magtulungan upang magkaroon ng pagbabago para sa kanila.
Aniya, bilang babae ay tungkulin nilang protektahan ang sarili at matulungan ang asawa sa mga gawain upang gumaan ang pamumuhay. Karapatan din ng kababaihan ang irespeto at tratuhing maayos.
Ang Marso 8 kada taon ay idineklang National Women’s Day sa ilalim ng Republic Act 6949 series of 1990. MICHAEL R. MARTINEZ, UB Intern
March 9, 2018
March 9, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
March 29, 2025
March 22, 2025