VIGAN CITY, Ilocos Sur
Matapos ang matagumpay na May 12, 2025 midterm elections, ang mga bagong halal na mga opisyal ng Ilocos Sur ay muling pinagtibay
ang kanilang pangako sa pagkakaisa at serbisyo sa publiko. Nitong Mayo 13, matapos ang mga proklasmasyon ng mga nanalong mga opisyal ng probinsya, nanumpa ang mga lokal na opisyal na palalakasin ang mga programa na tutugon sa mga pangangailangan ng
komunidad at itaguyod ang pagtutulungan ng mga local government units (LGUs), anuman ang politikal na kinaaaniban. “Itinataguyod namin ang pagkakaisa dahil hindi kung sino ang nanalo. Ito ay tungkol sa kung ano ang pinakamabuti para sa Ilocos Sur,” sinabi ni
bagong-halal na gobernador Jeremias Singson sa isang panayam.
Sinabi ni Singson na naghanda sila ng ilang mga programa na layong pahusayin ang kapakanan ng mga residente ng mga LGU, sinisigurong makikinabang ang bawat-isa. “Magsama-sama tayo. Sinisiguro ko rin sa inyo na ang pamahalaang panlalawigan ay laging bukas sa pakikipatulungan sa lahat ng mamamayang Ilocos Surian,” aniya. Hinimok ni vice governor-elect Ryan Luis Singson ang lahat ng mga kandidato na kalimutan na ang mga politikal na pagkakaiba at sama-samang magtrabaho para sa ikakabuti ng probinsya. Ipinangako niya na ang Sangguniang Panlalawigan ay tutuparin ang mga pangako nito sa kampanya na lumikha ng mga ordinansa at resolusyon na mabebenipisyuhan ang mga tao. “Hindi ito tungkol sa atin – ito’y para mga tao ng Ilocos Sur. Ang mga nanalo at natalo man ay dapat magkaisa para sa kaunlaran,” aniya.
Kapuwa ang nahalal na gobernador at bise-gobernador ay walang lumaban, na tumanggap ng 328,528 at 331,144 na boto, ayon sa pagkakabanggit. Sinabi ni second district representative-elect Kristine Singson-Meehan na ang mga nagwagi ay mayroon na ngayong bagong mandato na magtulungan. “Anuman ang ating posisyon, lahat tayo ay may papel sa pag-unlad ng Ilocos Sur. Naniniwala ako na
maraming programa ang panlalawigan at lokal na mga gobyerno na maaari nating suportahan,” ani Singson-Meehan. Sinabi niya na handa siya na tumulong sa mga LGU sa kanilang pangangailangan. “Ang prayoridad natin ay siguruhin na ang bawat bayan at lungsod ay makukuha ang kailangan nila. Makikipag-ugnayan kami sa kanila at gagawin ang aming makakaya na maihatid ang pinakamabuti,”
dagdag niya.
Nakatanggap si Singson-Meehan ng 163,262 boto. Samantala, nanalo naman si first district representative-elect Ronald Singson sa botong 143, 361. Para sa 12th Sangguniang Panlalawigan, nagbabalik sina reelected first district members Art Oandasan at Francisco Arturo Ranches III, kasama ang mga baguhang sina Janina Media-Fariñas, King Rafanan, at Atty. Ismael Baterina. Sa second district, Ericson
Singson, Benjamin Maggay, at Leopoldo Gironella Jr. ay muling nahalal, kasama ang mga bago na sina Fayinna Zaragoza at Atty. Pablito Sanidad Jr. Sa pagsisimula ng kanilang bagong termino, ang mga opisyal ng Ilocos Sur ay nagkakaisa sa pagtutulak para mas solido at progresibong probinsya na nagtataguyod ng saklaw na pag-unlad para sa lahat.
(JMCQ-PIA Ilocos/PMCJr.-ABN)
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025