LUNGSOD NG BAGUIO – Namahagi ang pamahalaang probinsiya ng Pangasinan ng mga buto, binhi, at mga kagamitan na nagkakahalaga ng PhP14.4 milyon sa mga magsasaka at mangingisda sa probinsiya bilang bahagi ng Abig (paghilom) Pangasinan na progamang rehabilitasyon.
Sa isang panayam noong Martes, sinabi ni Dalisay Moya, provincial agriculturist na ang pamamahagi ng farm at fishery inputs ay bahagi ng tumataas ng produksiyon sa agrikultura sa probinsiya.
Ang mga inputs na naipamahagi sa mga lokal ng magsasaka at mangingisda at iba’t-ibang local government units ay 5,000 bag na 20 kilograms (kg) certified palay seeds, 750 bags ng iba’t-ibang hybrid yellow corn, 60 knapsack sprayers, 140 gill nets, 20 fish shelters, 30 fish pots, 1,400 sets ng hook and line, tatlong axial flow pumps, at mga binhi ng mga gulay.
“There are various programs to help the agrisector in the province to be more productive,” aniya. Sa kaniyang mensahe sa programa ng pamamahagi ay hiniling ni Governor Amado Espino III sa mga magsasaka at mangingisda na ipagpatuloy ang masidhing pagtratrabaho upang mapasigla ang industriya ng agrikultura.
“Asikasuhin natin ang pagsasaka dahil sa Pangasinan ito ang puhunan natin. Kaya nung tumama pandemic, medyo maganda ang laban ng Pangasinan dahil ang bumubuhay sa pamilya, sa mga Pangasinense, ay ang mga magsasaka,” ani Espino.
Sa isang hiwalay ng panayam ay pinasalamatan ni Jose Galicia, isa sa mga benepisaryo ang pamahalang probinsiya at ang pambansang gobyerno sa mga tulong sa mga magsasaka.
“Ito ay isang malaking tulong para sa amin at aming pamilya lalo na panahong ito ng pandemya,” aniya.
Ang Abig Pangasinan ay isang programa na inilunsad ng pamahalaang probinsiya noong nakaraang taon upang mapahusay ang kondisyon ng socio-economic sa probinsiya sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019.
Samantala ay namahagi kamakailan ang Department of Agriculture ng tulong pinansiyal sa mga benepisaryo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEFRFFA) program gayundin ng farm machinery, rice seeds, at livestock na nagkakahalaga ng PhP637.5 milyon sa mga magsasaka at nag-aalaga ng baboy sa probinsiya.
(HA-Pang./PMCJr.-ABN)
November 14, 2021