Sa nakalipas lang na ilang araw…ginulantang tayo ng mga malalaking mga balita. Hindi lang sa tensiyon sa West Phil. Sea kung saan binomba ulit ng WATER CANNON ang mga barkong
magdadala ng rasyon para sa BRP Sierra Madre. Buti na lamang at di nagpatinag ang ating Phil. Coast Guard at tagumpay na naman ang resupply. May saksi ang pambubully ng China dahil may
mga taga-media na kasama ang Philippine Coast Guard.
Dahil sa mga kontrobersiya sa WPS, aprubado na kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang planong pagbili ng limang barko para sa Coast Guard upang may magamit sa pagpapatrolya sa WPS. Kung sakali, huwag sanang mapika ang Phil. Coast Guard na makipagsabayan na ng kanyonan ng tubig. Tiyak namang buong mundo na ang nakakaalam sa mga nagaganap diyan at tiyak ding di tayo
pababayaan kung sakali.
Sa ibang dako naman, nagkakaroon na ng linaw ang ang pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon. May mga lumantad na saksi at nagtuturong isang Police Major daw ang nasa likud nito. Ayon sa kapatid ni Camilon, may relasyon daw ang ate niya sa naturang opisyal ng pulis at dagdag pa niyang lagi daw sinasaktan ng pulis major na ito si Camilon.
Hanggang sa ngayon, di pa batid kung nasaan na si Camilon at kanyang kalagayan. May mga
hakbang na ang otoridad hinggil dito. Sumunod din ang kontrobersiyang pagpatay sa isang brodkaster habang ito ay kasalukuyang nagprprograma. Inaalam pa ng mga imbistigador ang motibo sa pagpaslang kay Juan Jumalon alyas “Johnny Walker”. Maala-ala na hindi pa nareresolba ang pagpatay noon sa isa pang brodkaster na si Percy Lapid.
May apat pang mamamahayag ang pinaslang sa ilalim ng administrasyong Marcos. Tapik nila: kung ang mga mamamahayag ay walang habas ng pinapaslang, ano pa kaya ang mga inosenteng
mamamayan? May hustisya kaya sa likud ng mga pagpaslang na eto? Isa pang kontrobersiyang
kamakailan ay ang ulat na may 202 bayan pala sa bansa ang walang fire truck. HA?!! Yan ay ibinulgar mismo ni Sen. Sonny Angara.
So, dapat eyong pagtuonan ng pansin at maglaan daw ng pondo para maresolba ang problema.
Dagdag pa ni Angara na kailangan ng BFP ng P1.21 bilyon para punan ang kakulangan sa fire station sa bansa at P2.46 bilyon naman
November 18, 2023
November 18, 2023
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024