Bagaman ilang taon na ang operasyon ng night market sa Harrison Road, panibagong problema muli ang kinakaharap nito na dulot umano ng mismong mga nagtitinda rito.
Ito ay matapos ipinarating ng Public Order and Safety Division (POSD) sa Baguio City Market Authority (BCMA) ang mga alitan sa pagitan ng mga nagtitinda
Sa naganap na BCMA meeting, tinukoy ang personal na alitan ng mga nagtitinda na nakakaapekto sa maayos na operasyon ng night market.
Nagbabala si Mayor Mauricio Domogan, at kasabay nito ay hinimok niya ang mga leader at nagtitinda sa night market, na resolbahin ang kanilang mga pagtatalo at isantabi ang personal na alitan dahil kung hindi ay ipapahinto ng lungsod ang operasyon ng night market.
“The existence of the night market is to give livelihood to residents who like to help themselves and families, pero kung ganyan na nag-aaway-away kayo at hindi nagkakaintindihan, alisin na lang natin ang night market para walang gulo,” saad ng mayor.
Sa mga nakalipas na taon ay naging isang atraksyon na sa mga turistang lokal at dayo ang night market na nagbibigay rin ng P1.2 milyon hanggang P1.4 milyon kada buwan nang walang gaanong capital outlay mula sa pamahalaang lungsod, ani Domogan.
Samantala, inaayos ng lokal na pamahalaan na mailagay ang night market sa palibot ng Melvin Jones grandstand nang hindi naisasakripisyo ang football ground at sa parehong pagkakataon ay maibukas ang Harrison Road sa mga motorista.
Sinabi ng mayor na umaasa itong bubuo ang konseho ng lungsod ng isang ordinansa para sa institusyonalisasyon ng night market operation at italaga ang perimeter ng Melvin Jones grandstand bilang permanenteng night market site. Jho Arranz / ABN
July 17, 2017
July 17, 2017
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024