Ang implementasyon ng Smoke-Free Baguio Ordinance ay nagsimulang dumami sa lungsod bilang resulta ng pagtaas ng mga nahuhuling lumalabag sa nagdaang anim na linggo.
Ang Public Order and Safety Division ng City Mayor’s Office ay nag-ulat ng 317 kabuuan ng mga lumabag sa Ordinance No. 43 series of 2017 noong Pebrero at 206 sa unang dalawang linggo ng Marso.
Ang tala ay malaking pagtaas mula sa 52 naaresto noong Enero at 129 para sa mga buwan ng Agosto at Disyembre noong nakaraang taon.
“This time, the POSD teams were allowed to issue citation tickets and this somehow bolstered their confidence in apprehending the violators,” ani POSD project monitoring assistant Joel Belinan.
Ang mga grupo ng POSD na may 58 katao ay itinalaga ni Mayor Mauricio Domogan bilang tagapagpatupad ng ordinansa noong nakaraang taon matapos sumailalim sa kinakailangang pagsasanay.
Kamakailan, 36 na POSD personnel sa ilalim ng pamumuno ni Paul Cambod ang nakakumpleto ng pagsasanay upang madagdagan ang puwersa.
Kabilang sa pagsasanay ang 184 barangay officials, tanods at purok leaders mula sa 128 barangay ng lungsod na sa kalauna’y itatalaga upang tagapagpatupad sa kani-kanilang areas of jurisdictions.
Magbibigay din sila ng identification cards sa mga enforcer.
Base sa ulat na isinumite ni POSD Enforcement Section Head Bromeo Lumiib kay Smoke-Free Task Force chair Domogan, nakahuli ng may kabuuang 704 na lumabag mula Agosto noong nakaraang taon hanggang Marso ngayong taon.
May kabuuang 421 ang nagbayad ng penalty samantalang 174 ang bigong magbayad; 93 ang itinurn-over sa City Police at 15 ang hinatulan ng community service.
Sa nasabing ulat, ang sinumang bigong magbabayad ng penalty ay hiniling na iwan ang kanilang valid IDs na ginawang basehan sa listahan ng mga lumabag at ipinasa sa City Legal Office.
Ang mga naiturn-over sa pulisya ay mga lumabag na walang naipakitang ID at tumangging makipagtulungan.
Ang mga tauhan ng POSD ay sakop ang Central Business District kabilang ang city market, Mines View, Wright Park, Botanical Garden, Baguio General Hospital at Upper Session Road.
Ang kanilang tungkulin bilang smoke-free enforcers ay nangingibabaw sa gawain ng POSD upang isagawa ang batas tulad ng anti-peddling, littering, jaywalking, at iba pa.
Ang Ordinance No. 34-2017 ay inaprubahan noong Abril 2017 na nagbabawal ng paggamit, pagbenta, distribusyon at advertisement ng sigarilyo, electronic nicotine delivery systems (ENDS) at ibang tobacco products sa public utility vehicles, government-owned vehicles (mobile at stationary), accommodation at entertainment establishments, public buildings, public places, enclosed public place o anumang enclosed areas sa labas ng pribadong residence o pribadong lugar ng trabaho maliban ang mga duly designated smoking areas.
Ang mga lumabag ay mayroong multa mula P1,000 to P5,000 at option na community service. A.P.REFUERZO / ABN
March 31, 2018
March 31, 2018
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024