LUNGSOD NG BAGUIO – Ang mga pampubliko at pribadong mga ospital sa lungsod ay narating na ang kanilang maximum capacity matapos ang hospital critical care utilization rate ay nasa 100.52 porsiyento na.
Sinabi ni City Health Services Officer Dr. Rowena Galpo na ang occupancy ng mga pribado at pampublikong ospital ay linagpasan na ang 979 authorized bed capacity na iniulat ang 100.52 porsiyento na hospital critical utilization rate dahil sa kasalukuyang pagtaas ng mga kaso ng Corona Virus Disease (COVID) 2019 dulot ng presensiya ng mas nakakahawang Delta variant.
Sa mga pampubliko at pribadong ospital sa lungsod, ang Baguio Medical Center, na may authorized bed capacity na 24, ay nakapagrehistro ng hospital critical care utilization rate na 150 percent sinundan ng Pines City Doctors hospital na may authorized bed capacity na 110 nag-ulat ng 111.76 percent utilization rate, Saint Louis University (SLU) Hospital of the Sacred heart na may authorized bed capacity na 120 ay nakapagtala ng 106.7 percent utilization rate, Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) na may authorized bed capacity na 600 nag-ulat ng 106.38 percent utilization rate at Notre Dame de chartres hospital na may authorized bed capacity na 125 nakapagtala ng 100
percent utilization rate.
Sa isolation beds ng mga nasabing ospital, ang occupancy ay 126/131 o 96.18 percent occupancy habang ang mga ward ay may occupancy na 191/184 o 103.8 percent occupancy. Ang Intensive care unit (ICU) beds ay nakapagtala ng 100 percent occupancy kung saan ang available na 68 kama ay naokupahan na habang ang overall bed occupancy ay 100.52 percent occupied o 385/383.
Para sa mga mechanical ventilator, ang occupancy rate ay 100 percent habang ang lahat ng available 54 mechanical ventilator ay okupado na hanggang sa petsang ito.
Sa kabilang banda, sinabi ni Galpo na ang overall occupancy rate ng mga kasalukuyang quarantine at isolation centers sa lungsod ay tinatantiyang 61.09 porsiyento kung saan 562 ng 920 na available beds ay okupado.
Iniulat ng Magsaysay hall ng Baguio Teachers Camp ang 100 percent occupancy kung saan ang available na 10 kama ay napuno sinundan ng Baguio City Community Isolation Unit sa dating Sto. Nin®o, na may bed capacity na 350, nagrehistro ng 68 percent occupancy rate; Roxas hall at Romulo halls ng Baguio Teachers Camp, na may bed capacity na 417, iniulat ang 62.35 occupancy rate, Lurel dorm 2, na may bed capacity na 101, nagtala ng 40.6 percent occupancy rate; central triage quarantine facility na may12-bed capacity nagrehistro ng 33.33 percent occupancy at Ferioni apartments na may 30-bed capacity iniulat ang 30 percent occupancy rate.
Nauna ditto, ang Laurel dorm ay itinalaga ng lokal na gobyerno bilang isang exclusive isolation facility para sa mga health worker subalit makakaya ding tanggapin ang mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs) na kinakailangang sumailalim sa quarantine.
Sa ngayon, ay binibilisan ng lokal na gobyerno ang expansion ng Baguio City Community Isolation Unit mula sa kasalukuyanbg kapasidad na 350 na kama sa mga 500 upang masilbihan ang isolation requirements ng mga pasyente ng COVID-19, lalo na at tinukoy ang pasilidad na hindi lamang isang step down kundi step up at staging area para sa mga pasyente ng COVID-19 na maghihintay ng kanilang pagkakataon na mailagay sa iba’t-ibang ospital sa lungsod.
(DAS-PIO/PMCJr.-ABN)
October 3, 2021
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025