Ipinapatupad ng pamahalaang lalawigan ng Pangasinan ang pansamantalang pagpasok ng mga pato sa probinsiya mula Hulyo 12 hanggang Setyembre 30 upang mapangalagaan ang industriya ng pagmamanok at ang publiko mula sa masamang mga epekto ng bird flu.
Sa Executive Order 103 ba ipinost noong Huwebes, sinabi ni Governor Ramon Guico III na ang naiulat na mga insidente sa mga karatig probinsiya ay nagudyok sa gobyerno ng probinsiya na ipatupad ang pansamantalang pagbabawal.
“There were reported confirmed cases of avian influenza (bird flu) in the neighboring provinces, such as Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Benguet, Isabela, and other provinces, such as Laguna, North Cotabato, South Cotabato, and Maguindanao,” aniya.
Inatasan ni Guico ang provincial veterinarian quarantine officers na magtayo ng quarantine checkpoints sa lahat ng posibleng pasukan ng
mga biyahero ng mga pugo at pato mula sa lahat ng rehiyon, isa dito ang Tarlac-Pangasinan- La Union Expressway at iba pang strategic road lines.
“Farm owners of chicken, turkeys, geese and other types of poultry products must present a certification that the above-mentioned poultry products, as well as their establishments, are free from avian influenza and Newcastle Disease to be allowed entry into the province,” aniya.
Inutusan din ni Guico ang local executives na palakasin ang biosafety, hygiene, at sanitation standards sa mga slaughterhouses/abattoirs, public markets, at poultry farms sa kanikanilang lugar na nasasakupan upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan at industriya ng pagmamanok sa pobinsiya.
Ang bird flu ay isang viral disease na hinahawaan ang domestikong manukan at iba-ubang uri ng mga ibon, kasama ang mga pato. Hanggang sa sinusulat ito at nananatiling walang bird flu sa Pangasinan.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
July 23, 2022
July 23, 2022