Mga rebelde sumuko, mga gamit ng rebelde nasamsam

LUNGSOD NG BAGUIO – Naiulat na sumuko sa pangkat ng pamahalaan ang isang miyembro ng Milisya ng Bayan (New Peoples Army Rebel auxiliary) sa Sitio Kalaknitan, Barangay Maasi, Riza, Cagayan noong umaga ng Agosto 13, 2018.
Ito ay matapos sumuko ang isang regular NPA rebel mula sa Nagtipunan, Quirino province nang walang armas sa 86th Infantry Battalion sa Dipantan Patrol Base, Brgy. Dipantan, Nagtipunan, Quirino.
Ang rebel auxiliary, na isang 27 anyos, ayon kay Col. Isagani Nato, spokesman ng Northern Luzon Command, ay dating full time NPA guerrilla na nago-operate sa iba’t ibang bayan sa Cagayan. Itinurn-over nito ang isang US Carbin rifle na may sirang serial number at may 15 na bala.
Biyernes noong nakaraang linggo, isa pang regular na NPA guerrilla mula Nagtipunan, Quirino ang boluntaryong sumuko ng wala ring armas sa 86IB.
Naiulat na ang rebelde ay pumasok sa komunistang kilusan noon lamang Nobyembre 2017 at dating miyembro ng Squad 2 ng NPA Platoon sa Quirino province.
Samantala, isang M16 rile na may magazines at 50 bullet rounds ang nadiskubre ng mga sundalo ng 86IB habang naghahalughog sa Sitio Disagwan, Barangay Sangbay, Nagtipunan sa Quirino noong weekend matapos makakuha ng tip mula sa mga mamamayan.
Nakita diumano ng ilang mamamayan ang pangkat ng rebelde noong nakaraang linggo na pinaniniwalaang sa parehong grupo na nakita rin noong Miyerkules ng nakaraang linggo.
Nadiskubre rin ng mga sundalo ng 50th Infantry Battalion ang iba’t ibang dokumento ng rebelde at personal na gamit noong Agosto 12 sa loob ng isang nipa hut sa Sitio Winingit, Brgy. Dicamay Dos, Jones sa lalawigan ng Isabela.
Kabilang ang Community Party of the Philippines (CPP) / NPA published pamphlets, mga libro at mga sulat na ginamit para sa community teach-ins at dialogues, isang ICOM radio at Nokia cellphone, duyan, jungle pack at suspenders, ang narekober habang nagsasagawa ng combat patrol ang mga sundalo. A.ALEGRE / ABN

Amianan Balita Ngayon