MGA SUNOG… BAKIT LAGING NARIYAN?

Fire Prevention Month! Tuwing buwan ng Marso. Tanong : bakit kaya nagaganap ang mga sunog sa ganitong panahon? Sabi nga nila, maski umuulan, may sunog pa rin. Papano ba tayo makaiwas sa sunog? Sundan ang daplis,
pards: Sa nakalipas na mga araw hanggang kahapon…may mga sunog pa ring naitatala sa buong kapuluan. Kamakailan lang, nagkasunog sa ilang kabundukan ng ating rehiyon, di ba? Kaya nga’t habang sinusulat ang espasyong ito, ginaganap sa Baguio City ang pang-nasyonal na pagsasanay o Olympics ang lahat ng mga kinatawan ng Bureau of Fire sa buong bansa upang mapalakas pa ang kanilang serbisyo.

Kudos sa lahat ng mga libong representante na narito sa lungsod at harinawa’y makakatulong ang Olimpiyadang ito para lalong mapabuting kahandaan ng bawat brigada ng pamataysunog sa buong bansa. Salamat sa tiwala. Isang dagdag kita naman ito sa mga negosyante ng lungsod. Nataon pa sa Strawberry Festival ng La Trinidad. Sa mga bisita natin….ang aming mainit na pagtanggap sa inyo at pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa Baguio City at
Benguet. Atin ngang balikan ang tanong na bakit ngayong Marso ang itinakdang buwan kontra sunog sa buong
kapuluan. Sabi ng marami: ito kasi ang panahon ng El Nino kung saan tunay na napakainit ang panahon. Ito rin ang
panahon na maraming magsasaka ang nalulugi dahil sa kakulangan ng tubig.

Katunayan nga ay ginaganap ang mga clound seedings sa rehiyon at karatig lugal para matugunan ang kakulangan sa tubig ganon din na maibsan ang sobrang init ng panahon. Napaulat pa nga na hindi lang mga palayan o taniman ang natitigang na dahil sa init ng panahon kundi pati na rin ang mga palaisdaan. Baka abutin pa daw tayo ng hanggang sa mga susunod na mga buwan na ganito ang panahon. Ito rin ang panahon na tutok ang ating gobyerno kontra sa pananalasa tag-init bago ang pagdating ng La Nina. Ang nakapagtataka lang, base sa mga ulat kamakailan, na kung sa ibang rehiyon ay tagtuyot, may mga rehiyon namang binabaha at nasasalanta.

Tanong ng iba: bakit daw kung may cloud-seeding (o naglagay ng asin sa mga ulap) ay sa ibang lugal naman daw bumabagsak ang nabuong ulan? Sagot ng iba: dahil sa hangin na nagdadala o nagtutulak kung saan patungo ang ulap na may dalang ulan. Lahat ng mga kaganapang ito ay nagaganap tuwing buwan ng Marso. Tanong uli: bakit daw kasi hindi maiwasan ang sunog? Sagut: dahil din sa tao at kalikasan. Kahit pa lagi ang mga paala-ala ng ating pamahalaan (Bureau of Fire at iba pang ahensiya) hinggil sa iwassunog…di pa rin naiiwasan ang sunog. Ang resulta…marami tayong kababayan ang nawawalan ng ari-arian at kabuhayan. At napakasakit pa, kahit anong panahon ay may sunog.

Ayon sa Fire Department….nasa pag-iingat ng lahat kontra sunog. Ingatan lagi ang mga bagay-bagay na maaring pagmulan ng sunog. Sabi nga nila: mas maigi pa ang ika’y manakawan kaysa masunugan. Talagang magsisimula tayo sa wala kapag tayo ay nasunugan. Kaya’t dagdagan din natin ang ating kaalaman kontra-sunog para na rin sa ating kaligtasan. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon