“ISANG MILYONG PUNO PARA SA LUNTIANG PANGASINAN”

Nangangangarap ang Pangasinan na muling manumbalik ang luntiang kapaligiran nito. Isang milyong puno ang nais itanim sa probinsya bilang panangga sa climate change, pati sa nakakapasong init, pagbaha at pagguho ng lupa.
Malalaking hakbang na ang naisagawa ng The Green Canopy Project ni Governor Ramon Guico III mula nang
ilunsad ito noong nakaraang taon. Sa katunayan, bubuksan sa 2025 sa publiko ang isa sa mga proyektong nakapaloob sa The Green Canopy Project na 20-ektaryang Pangasinan Eco Park sa Barangay Cayanga, bayan ng Bugallon bilang tourist attraction.

Isang animo’y paaralan sa labas ng apat na sulok ng silid aralan ang eco park dahil mayroong 2.71- hectare botanical garden, organic production area, at 3.81- ektaryang orchard, pati swimming pool, view deck at campsite kung saan matututo ang mga kabataan mangalaga sa kapaligiran. Kukumpletuhin ang eco park ng cable car ride at shooting range kung adventure ang hanap ng mga bibisita. Nananawagan si Gov. Guico III ng pinakamasigabong pakikibahagi ng lahat ng mamamayan ng Pangasinan kasama ang lahat ng Local Government Units at mga kawani upang isabuhay ang kulturang boluntarismo.

Bukod sa hangaring gawing luntian uli ang Pangasinan, pinapangarap din ni Gov. Guico III na manumbalik ang kulturang pagtutulungan at bayanihan sa probinsya. Malayo-layo na ang narating ng The Green Canopy project. Halos 300,000 seedlings na ang naitanim mula 2023. Bukod pa’y nabuhay muli ang mga mangroves sa Bolinao dahil sa tuwi-tuwina’y tree-planting ng mga volunteers. Sana’y angkinin mismo ng mamamayan ng Pangasinan ang
proyekto bilang kanilang proyekto upang magtagumpay ang bukod-tanging hangarin ng probinsyang nagkakaisa. Ang hakbang ng bawat Pangasinense’y mahalaga.

 

Amianan Balita Ngayon