MONTAÑOSA FILM FESTIVAL, AARANGKADA NGAYONG 2023

BAGUIO CITY

Muling matutunghayan ang makasaysayang Montañosa Film Festival, sa pagbubukas nito sa mga
activities sa darating na buwan ng Marso. Ang tema ng film fest ngayong taong 2023 ay “Building Bridges” na naaayon sa layunin ng pamahalaang lungsod na magtatag ng isang interwoven creative at tourism endeavor ng Baguio bilang isang Creative City. Nag-isyu na si Mayor Benjamin Magalong ng Executive Order No. 24, series of 2023, na nag-dedeklara na ang buong buwan ng Marso ay selebrasyon ng Montañosa Film Festival sa siyudad ng Baguio, na ang aktibidad na ito
ay isang pribado at suportado ng gobyerno.

Naatasan naman ang Baguio Tourism Council bilang co-presenter at lead implementer na may
integrasyon ng mga aktibidad sa ilalim ng National Arts Month ng National Commission for Culture and the Arts’ (NCCA) Cinema Rehiyon 15. Ang mga aktibidad na nakahanay sa film festival ay ang media launch sa Marso 1 na magaganap sa SM City Baguio na sinundan ng festival opening night sa Marso 25 sa nasabi ding lugar, kabilang ang paggawad sa mga finalist para sa Montañosa Film Festival 2024.

Isa rin sa mga matutunghayan ang paglulunsad ng online film screenings na nakatakda sa Marso 26, habang sa Marso 27 naman ay ang paglulunsad ng Cinema Rehiyon Best of the Regions. Isang filmmakers forum ang nakatakda sa Marso 28 na susundan ng mga workshop at pag-uusap mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), at makakaharap din ng mga finalist ng MFF 2023 ang kanilang mga mentor para sa film pitching.

Isang outdoor screening ang magaganap ng Marso 29- 31 sa iba’t ibang hotel at sa Malcom Square People’s park at makakasama rin nila ang Sinemusikain (film, food, music fair) sa Rose Garden sa Burnham Park. Isang filmmakers night ang magtatapos sa buwanang affair sa Marso 31 na susundan ng isang festival closing night na may bonfire party sa Abril 1 sa Baguio Convention center grounds.

Jerico C. Cayabyab/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon