PNP TINIYAK ANG SUPORTA SA DPWH PARA SA SECURITY NG INFRA PROJECTS

BAGUIO CITY

Tiniyak ni Philippine National Police Chief Gen.Rodolfo Azurin Jr., ang suporta ng kapulisan sa Department of Public Works and Highway,lalong-lalo na sa mga concrtactors nito para sa kanilang seguridad sa pagsusulong ng “Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKaS) convergence program ng DPWH at PNP sa bansa. Ang suporta ay ipinahayag ni Azurin sa kanyang mensahe bilang guest of honor and speaker sa blessing at inagurasyon ng bagong ‘state of the art’ na four-storey building ng Regional Forensic Unit-Cordillera sa loob ng Camp Bado Dangwa,La
Trinidad, Benguet, noon g Pebrero 16.

“ We are offering the services of the police para sa seguridad ng mga concractor at workers ng DPWH, upang matiyak na ang mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan ay hindi maaantala. Alam naman natin may mga lugar na may nangugulo sa mga proyekto,partikular na sa mga road projects, kaya nararapat lamang protektahan natin ito para sa development ng ating bansa,” pahayag ni Azurin. Hinalimbawa ni Azurin ang sitwasyon sa Bangsamoro Autonomous
Region for Muslim Mindanao (BARMM), na may mga nabinbin na infrastructure projects ang DPWH dahil sa panggugulo at pananakot sa mga workers.

“Isa ito sa mga concern natin sa BARMM, kaya sinabi ko sa DPWH doon na lalo na sa mga critical areas na ipaalam agad sa amin para mabantayan ng ating kapulisan para inch-by-inch ay magawa ang proyekto na hindi maa-harass ang mga manggagawa.” Aniya ang road development,lalo-lalong ang mga farm to market road projects ay napakahalaga sa isinsusulong development para sa bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr.,upang ang mga investor ay mapayapang makapagnegosyo na lilikha ng mga trabaho at oportunidad,lalo na sa larangan ng turismo.

Idinagdag pa ni Azurin, ang P100 milyon na pondo na nilalaan bawat taon sa pagpapapatayo ng mga modernong police stations sa bansa at sa programang TIKaS convergence ay malaking tulong sa mga programang isinusulong ng pulisya para makapaghatid ng mahusay na serbisyo sa mga mamamayan.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon