Mt. Pulag at Sagada, sarado; iwasan muna ang mamasyal – CDRRMC

Jul 30, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagbabala ang  Cordillera Regional Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) noong Hulyo 28 (Biyernes) na iwasan muna ang pamamasyal sa iba’t ibang spelunking at hiking sites sa rehiyon dahil sa banta ng landslide at flashfloods.
Sinabi ni Office of Civil Defense-Cordillera Regional Director Andrew Alex Uy, chairman ng CDRRMC, na kinansela na ng bayan ng Bokod, Benguet lahat ng hiking activities sa Mount Purgatory at Mount Pulag hanggang Linggo.
Kinansela na rin ng Sagada ang lahat ng naitakdang pagbisita sa Lumiang at Sumaguing caves mula noong tanghali ng Biyernes dahil sa walang habas na pag-ulan.
Maaalalang ang Korean hiker na si Choi Sungkyu, 56, ay masuwerteng nabuhay bagaman lubhang nanghihina nang natagpuan sa Latang, Barlig, Mountain Province matapos ang mahigit isang linggong search and rescue operations noong Hunyo.
Nito lamang Hulyo 18 ay natagpuan naman ang bangkay ng 23-anyos na tour guide na si Roderick Malecdan halos dalawang araw matapos na tangayin ito ng rumaragasang tubig habang nasa loob ng Victoria Cave sa Sagada, Mountain Province kasama ang ilan pang tour guides na pawang nakaligtas.
Ayon kay Uy, ang pagsasara ng mga tourist destinations ay isang preventive measure lamang dahil sa malalakas na mga pag-uulan sa malaking bahagi ng Cordillera.
Nararamdaman pa rin sa rehiyon ang epektong dulot ng Habagat na pinatindi pa ng severe tropical storm “Gorio” na may international name na “Nesat”.
Iniulat din ng CDRRMC na ang Abra, Apayao, Benguet kasama ang Baguio City, at Ifugao ay nasa blue alert status.
Ayon sa Department of Public Works and Highways Cordillera (DPWH-CAR), ang Kennon Road ay bukas sa trapiko ngunit para sa seguridad ay pinapayuhan ang mga motorista na dumaan na lamang sa Marcos Highway o Naguilian highway.
Sarado rin ang mga kalsada ng Tabuk-Banaue Road (Dumanay Section in Tanudan) dahil sa clearing operations; Junction Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road dahil sa rehabilitasyon ng Balabag Temporary Bridge, Talubin Side.
Ang ilang mga klase sa Baguio at Benguet ay kinansela 5am noong Biyernes. Idineklara ni Baguio Mayor Mauricio G. Domogan ang kanselasyon ng klase mula pre-school hanggang high school. Samantala, nagdeklara rin si Abra Governor Joy Bernos ng kanselasyon ng lahat ng klase bago magtanghali sa parehong araw. Liza T. Agoot / ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest