MUMUNTING HAKBANG NG TAGUMPAY

KAILAN lang, ating ninamnam ang mga mumunting parangal na iginawad sa sector ng turismo
sa Baguio. Matatandaang, malugod na inihayag natin ang mga tagumpay na kumilala sa mga gawaing pang-turismo. Buong galak na ating uulitin, hindi sa pagyayabang kindi sa pagbibigay pugay upang maging inspirasyon sa mga darating na panahon. Una, si Engr. Aloysius Mapalo, ang ating punong abala sa City Tourism Office, na siyang ginawaran ng Most Outstanding Tourism Award para sa Best Month Tourism Celebration 2022.

Kinilala din ang Baguio city tourism office na nagsagawa ng mga programang nagsulong ng turismo sa pakikipagtulungan ng Baguio Tourism Council na pinangungunahan ni Ms. Gladys Vergara.
Ginawaran din ng Best Cultural Award ang Ibagiw 2022 ng Baguio City. Ang Creative Baguio City Council ang nangasiwa ng nasabing festival sa pamumuno ni Co-chair Dr. Raymundo Rovillos.

AngHuminga Baguio ay kinilala din na bilang First Runner-Up sa Best Video for Tourism Promotions Award, na gawanglikha ni Direk Ferdinand L. Balanag; at ang Mandeko Kito at Sining Eskinita, Session Road Sunday Showcase and Community Artscape, mga festival showcases na nagwagi ng first runner-up for Best Program for Culture and the Arts Award, sa pangangasiwa pa rin ng CBCC at ng City Tourism Office.

Muli, ating bigyang saludo ang mga pagpupuring iginawad sa mga makasining at makabuluhang tourism events nitong nakaraang taon. Hindi maikakaila ang inspirasyon ng good governance na itinaguyod ni Mayor Benjie Magalong upang palakasin ang turismo sa lungsod sa kabila ng mga hirap at sakit na dinanas ng mga tagaBaguio sa panahon ng pandemya.

Masigabong palakpakan sa lahat ng bumubuo sa sector ng turismo, maging ang sector ng creative council na itinaya ang lahat ng kaisang-puso sa pagsulong ng crafts and folk arts, kung saan ang Baguio ang unang creative Philippine city na ginawaran ng United Nations ng membership status sa Creative Cities Network. MULI, meron na namang balita na dapat ipaalaala sa sambayanan sa panahong hindi pa nasusupil si covid-19.

May bagong virus daw, na hindi pa maseguro kung apo ni Covid19, sa magkabilang tuhod, ang
ngayon ay kumitil na nga anim na tao sa kontinente ng India. Sabagay ay mga 4 na bilyon ang
populasyon sa naturang lugar, at maaga pa upang muli tayong balutin ng pangamba. Sa totoo lang, dapat ay mayroon na tayong mga liksyon na syang ating patnubay upang muli at muli ay ating
malampasan ang mga hamon ng pagkakataon, lalo na nitong huling tatlong taon na kung saan hinagupit tayo ng kamandag at bagsik ng pandemya.

Ang siste lang, tila hindi pa nasusupil ng buong kaganapan si Covid-19. Kahit na sisinghap-singhap na lamang ang virus na ito. Huwag naman sana tayong maging kampante na tapos na ang labang ating iwinagayway. Kung mayroon mang mga bagong banta – tulad ng napabalitang bagong mutation ni Covid – huwag nating ipagwalang-bahala. Ituloy pa rin na labanan ang bagong
banta at panganib na dulot ng isang kinakatakutang panibagong pandemya.

Sa panahon na hindi pa gaanong nalulupig si Covid-19, dobleng dagok ito sa ating mga bansang
nakasalalay ang kaligtasan at kaayusan ng bayan sa mapaminsalang salot ng isa pang pandemyang
nagbabadya. Ang akala pa naman natin ay nalalapit na sa hukay si Covid-19. Kung mayroon mang
mga bagong kaso ng hawaan, mangilan-ngilan na lamang. Nitong nakaraang dalawa at tatlong buwang singkad, parating kulang sa isang libong hawaan ang naitatala sa buong Pinas. Naghihingalo na nga si Covid-19.

Aandanp-andap, tulad ng kanidlang ang baga ay unti-unting nauupos. Harinawa, hindi kasing
bangis ng sumisinghal na Covid-19 ang bagong virus na kumitil na ng dalawang buhay sa India. Sana naman, sa awa ng ating Maykapal, kung may katibayan na isang bumubuong virus ang nailunsad sa panahon ng tila ay walang hinto ng bangis ng Climate Change, sana naman ay hindi kasing bangis ang hagupit ng bagong banta at panganib sa sangkatauhan.

Eto nga tayo at tila dedma ng tuluyan kay Covid-19. Araw at oras na raw ang bibilangin hanggang sa huling hantungan ay maibaon ng tuluyan ang pandemyang halos ay tatlong taon ding nanalasa sa buong mundo. Ang dapat lang sigurong dapat manduhan ay ang mga nangngasiwa ng pambansang kalusugan at kaligtasan. Sila ang nakaaalam at mayroon tayong pag-asa na magamit ang mga pamamaraan ng paglaban at pagsugpo sa bagong virus.

Hindi na naiiba ang labang ating muling isasabalikat. Naranasan na natin ito. Si covid, anumang anyo at hugis ang kanyang mga bagong supling ay ating kakayanin. Kung halos tatlong taon, atin
siyang nilalampasan, ano pa kaya ang ilang buwan ng patuloy na pagwasiwas sa kamandag ng virus. Angat Tayo Baguio! Manatiling nakatuon sa patuloy na pag-angat at pag-ahon. Diyan tayo merong asenso!#

Amianan Balita Ngayon