NAKIKIAMOY KA LANG? !@#$%^&*

Bidang-bida ngayon sa mga usapan at umpukan ang buhay-tsuper ng mga pampublikong sasakyan dahil sa isyu ng hulian, diskuwento, gitgitan sa kalsada, reckless driving, walang lisensiya at expired na prangkisa ng sasakyan at ang isyu ng “DUGYOT at MAY PUTOK “. Batobato sa langit. Ngayon lang nasagi ang isyu na ito pero masasabi nating simula’t sapul problema na ito. Di lang nakakalkal. Merits sa
kung sino man ang nakasilip sa problema. Ayon sa LTFRB tiyak na apektado ang prangkisa ng mga public utility vehicles (PUVs) sa sandaling may pasaherong magreklamo dahil sa pagkakaroon ng “putok” at pagiging “dugyot” ng mga PUV drivers.

Depensa ng LTFRB sa pamamagitan ni Spokesman Atty. Ariel Inton, hindi raw sila anti-poor pero dapat lang na maayos ang pananamit at
malinis sa katawan ang mga PUV drivers na mga professional driver’s license holders. Tsk tsk..sapul ang mga tinamaan nito, pards. Dagdag pa nga ng LTFRB, wala silang planong maglatag ng “kili-kili power task force” para manghuli ng mga drivers na may ganitong “anting-anting”. Hindi raw pakikialaman ng LTFRB kung may mga driver na mas pipiliing maging mabaho..pero kapag sila ay nasa likud na ng manibela, hindi na sila sasantuhin. Hindi daw kakasuhan ang mga driver na may putok at dugyot bagkus sila ay pagmumultahin lang.

Aba, mataas din ang presyuhan sa multa, pards. Dos mil sa unang offense; tres mil sa ikalawa at singkol mil sa ikatlo at pati prangkisa makakansela. Ang batayan: dapat may reklamo mula sa mga mananakay o pasahero. Pero teka lang…may mga eksena na hindi raw magrereklamo ang pasahero kundi papara na lamang at bababa at lilipat sa ibang sasakyan. Maraming kakatwang eksena sa buhay-tsuper na gusto rin naming bigyan ng puwang sa DAPLIS. Kung minsan, hindi sa nilalahat, may mga tsuper na may kasamang bodyguard. Si misis. Ang kaso, may mga misis na burara din kung manamit (dahil hindi na raw maasekaso sa dami ng anak).

Kuntudo pabango nga si mister driver pero ang katabing selosang misis ay may putok at dugyot. Kaya tuloy ang mga pasahero nagmamadali nang bumaba upang makaiwas sa PUTOK. Susmaryusep na mga eksena, lamang ang pera, baka sila na ang magmumura. Buti pa raw sa karagatan kahit nanghahabol ang mga barko ng Tsina sa mga barko natin…nakakaiwas tayo. Pero kung sa jeep na kulong at
mataas ang pressure ng putok ng kili-kili at bunganga ng driver…wasak ang iyong maghapon. At para sa tuntunin, narito ang dagdag na paabiso ng LTFRB base sa Memorandum Circular 2011- 004: ang mga PUV drivers ay dapat na magsuot ng blue-t-shirt para sa PUJs; green t-shirt para sa UV express drivers; pulang t-shirt sa mga taxi at white polo shirt sa mga passenger bus drivers.

Pakiusap naman ang ilang mga tsuper ng mga PUVs: sana sagutin ng mga operators ang dagdag o spare na uniporme para mapagaan daw ang kanilang kita. May payo din ang netizens na dapat sana ay malinis at maayos ang mga ipinapasadang sasakyang-pampubliko. May mga dugyot din daw at mabahong sasakyan. Kung minsan amoy isdang ilado. Kaya apektado ang mga pasahero. Buti na lamang at ipinagbawal na ang paninigarilyo sa loob ng PUVs. At pakiusap na din sa mga pasaherong may putok at du gyot …m a g -a yos-a yos
naman. Sana nakapag-ambag kami kahit kunting aral. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon