Nasusunog na bahay, agad naapula ng BFP

Dahil sa mabilis na pag-aksyon ng Bureau of Fire Protection sa lungsod ay agad naapula ang sunog sa 2nd floor ng isang bahay noong 7:15pm ng Huloy 3, 2017 sa Bright Red Street, Lower QM, Baguio City.
Ang bahay ay pag-aari ng isang Boyet Maranan ngunit ang ikalawang palapag na naiwang walang nagbabantay ay inuupahan ng isang boarder na kinilala lamang sa pangalang “Doming”.
Ayon sa ulat, dakong 6:15pm habang si Maranan ay nanonood ng television sa 3rd floor kasama ang pamilya nang may nalanghap na amoy-plastik. Nakita ni Maranan na may usok na nagmumula sa 2nd floor kaya tumawag ito sa BFP na agad namang rumesponde at naapula ang sunog.
Idineklara ng BFP na fire out dakong 7:40pm. Walang naiulat na nasaktan ngunit hindi pa malaman ang halaga ng nasira at kung ano ang dahilan ng sunog.

Amianan Balita Ngayon