National free-dialysis policy, dapat bigyan-pansin

Apr 8, 2017

Ayon sa Department of Health, ang renal disease o sakit sa bato ay pang pito sa top ten na dahilan ng pagkamatay ngayon sa mga Pilipino. Katunayan ay pitong libong pasyente ang namamatay bawat taon dahil sa pagkasira ng kidney sa bansa. Nakakabahala na ang paglaganap ng renal diseases na tumataas lalo na sa huling yugto nito.
Ang pagwawalang-bahala na uri ng pamumuhay, maling pagpili ng pagkain at kakulangan sa tulog ang pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng diabetes at hypertension na magreresulta sa kidney disease. Noong 2013, ayon sa DOH, ay halos 23,000 Pilipino ang sumailalim sa dialysis dahil sa kidney failure at halos apat na beses na mataas na naitala sa taong 2004 o 10 hanggang 15 porsiyentong pagtaas sa bawat taon.
Isang malaking bilang ng renal problems, karamihan dito ay mga kaso ng urinary tract infection ay nakita sa mga kabataang mag-aaral. At isang pag-aaral ng DOH at National Kidney Transplant Institute ay nagpakitang 1.1 milyon sa kabuuang 4.7 milyon na mag-aaral ay may abnormal na urine samples.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may high risk population kung pag-uusapan ang renal disease dahil sa maraming kaso ng diabetes, high blood pressure at iba pang namamanang sakit na lahat ito ay babagsak sa kidney malfunction at maging atake sa puso. Katunayan sa mga nangungunang sanhi ng kidney failure sa bansa ay 41% ang diabetes, 24% ang inflammation of kidney at 22% ang high blood pressure.
Ang halaga ng gamutan sa renal diseases ay napakamahal at hindi kaya ng karamihang Pilipino. Upang magkaroon ng sapat na dialysis, ang pasyente ay dapat gumastos ng P25,000 hanggang P46,000 sa isang buwan o P300,000 hanggang P552,000 isang taon. Habang ang maintenance medication ay nagkakahalaga ng P20,000 sa isang buwan. Samantala, nasa P500,000 hanggang isang milyong piso ang halaga ng kidney transplant. Habang ang post-operation medication ay nagkakahalaga ng P12,000 isang buwan. Dahil napakamahal ng gamutan ay nasa 70% lamang na pasyente ang nakakakaya nito.
Dahil dito ay nagsagawa ang Baguio Correspondents and Broadcasters Club Inc. (BCBC) ng signature campaign upang maging libre ang dialysis at isusumite ito kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa Kongreso ng Pilipinas at ilang may kinalamang opisina ng gobyerno sa linggong ito at inindorso ni Mayor Mauricio Domogan. Lakip nito ay isang liham na humihiling sa suporta ng mga opisina na maging realidad ang national free-dialysis policy upang matulungan at magbigay kaginhawaan sa maraming pamilyang nahihirapan at nawawalan ng pag-asa kung saan kukunin ang malaking halaga ng gamutan at upang hindi na sila mamalimos.
Ang pag-agap sa sakit na ito ang pinakamabuting paraan upang masawata ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong may kidney malfunction. Importante rin ang maagang pagtuklas sa mga sanhi upang mapigilan o mapabagal ang paglala ng renal problems na kalimitang humahantong sa renal failure.
Tila maliit na atensiyon ang ibinibigay ng gobyerno upang malabanan ang problema sa renal disease kumpara sa ibang health concerns na kung saan ay may tiyak na programa ang DOH. Walang ni isang sentimo ang ibinibigay ng gobyerno sa kampanya laban sa renal disease. Responsibilidad ng gobyerno na mariing gumawa ng hakbang upang mabigyan-tugon ang lumalalang problema sa renal disease sa bansa dahil sa kasalukuyang kalagayan ng mahihirap na Pilipino. Dapat bigyan din ng prayoridad ang kalusugan ng tao at magkano na lamang ba ang ibabawas sa napakalalaking badyet ng ibang ahensiya at opisina ng gobyerno? Pmcjr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest