NCMF nanawagan na ikondena ang terorismo

BAGUIO CITY – Nanawagan ang ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF),na ikondena ang terorismo na kumikitil ng buhay, sumisira ng ari-arian at nagbabagsak ng ekonomiya, ito
ang naging usapin sa ginanap na Preventing and Countering Violent Extremism Forum na isinagawa ng North Luzon Regional Office sa Eurotel noong Mayo 24 sa siyudad.
Ang okasyon ay dinaluhan nina Mayor Benjamin Magalong, Congressman Mark Go, DPWH Regional Director Khadaffy Tanggol, na nagbigay ng kanikanilang Inspirational message ukol sa okasyon.
Naging resource speaker naman sina Lt.Col. Maximo Sumeg-ang, Jr., ng Baguio City Police Office, sa kayang topic na Understanding Violent Extremism; City Prosecutor Conrado Catral, Jr., sa topic na Salient Provisions of Anti-Terror Law; DILG-CAR Araceli San Jose on Gov’t Effoert on PCVE;DIB Representive Ustadh Mohammad Ugarinan on Efforts of Islamic Institution to PCVE; CHR-CAR Atty.Romel Daguimol on Human Rights at Risk in Efforts to PCVE at BCPR, NCF Cosanie Derogongan,on Harmonizing Gov’t Efforts and Islamic Institutions Efforts.
Sa temang “Bridging the roles of the Government and Islamic institutions in Countering Violent Extremism”, ay ipinahayag ni NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, ang kanyang pagka dismaya at pag-kondena sa terorismo na isinasagawa ng mga militatanteng mula sa ISIS (Islamic State of Iraq and Syria), na aghahasik ng lagim sa mga Islamic countires,kabilang na ang Pilipinas.
“Ang gawain ng ISIS ay hindi maka-Diyos, maraming buhay,ari-arian at ekonomiya ay winasak nila sa Mindanao, lalong-lalo na aking sinilangang Marawi City,na hanggang ngayon, mula ng tangkang sakupin ito noong 2017, ay hindi pa nakakabangon sa pagkakalugmok mula sa kamay ng mga terorista,” pahayag ni Pangarungan.
Ayon kay Pangarungan, ang mga Muslim na naninirahan sa Mndanano ay tahimik na namumuhay, subalit ginulo ng mga dayuhang terorista,kaya ang mga ito ay nagsilikas pataugo sa iba’t ibang lugar sa Luzon, para maghanapbuhay at mamhuhay ng tahimik. Pinuri din ni Pangarungan, ang kanyang mga kababayan na naninirahan sa Baguio City, dahil sa suporta na ibinigay ni Mayor Magalong sa komunidad.”
Masuwerte ang mga kababayan ko dito sa Baguio, dahil nasa matahimik silang lugar, kaya panawagan ko sa Muslim community dito na suportahan din ang siyudad,along-lalo na ngayon sa panahon ng pandemya,na sumunod sa mga health protocols.”
Ayon naman kay NCMF Regional Director Raihanah Sarah Macarimpas, ang programang ito ay taunang nilang isinasagawa upang maisapuso ang kahalagahan ng programa laban sa terorismo.
“Bukod dito ay mga programa din kami sa mga kabataan na binibigyan ko ng ibayong atensyon,upang malayo sila sa karahasan.Malaki ang pasasalamat naming sa mga iba’iba’t ibang programa ng pamahalaan, gaya ng TESDA, dahil marami sa aking mga kababayan ang nakikinabang,” pahayag pa ni Macarimpas.
Samantala, nagpahatid naman ng pasasalamat si NCMF Dirctor IV Abel Macarimpas sa Muslim community at sa city government sa suportang ibinibigay nila sa kanyang anak na si Raihanah, bilang regional director ng North Luzon at malaki ang kanyang paniniwala na magagampanan nito ang kanyang tungkulin upang mapabuti at mapaunlad ang pamumuhay ng kanyang mga kababayan, hindi lamang sa lungsod,kundi maging sa Benguet at North Luzon.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon