NEAP PATULOY ANG OPERASYON SA KABILA NG KONSTRUKSYON

LA TRINIDAD, Benguet

Habang patuly ang konstruksyon ng four-stprey building ng National Educators Academy of the Philippines (NEAP) sa Wangal,La Trinidad,Benguet, ay pautloy din ang operasyon at serbisyo nila sa komunidad, na inaasahang matatapos sa Disyembre. Ang National Educators’ Academy of the Philippines (NEAP) ay isang kalakip na ahensya sa loob ng Kagawaran ng Edukasyon na may direktang linya ng pamamahala sa Kalihim na nagpapanatili ng pamantayan sa pagsasanay at ang kalidad ng paghahatid ng pagsasanay sa mga guro, pinuno ng paaralan, at iba pa.

Ang NEAP Building ay isinagawa para sa ‘trainings’ at mabigyan ng akomodasyon ang mga guro, school heads, supervisors ng DepEd, at iba pang indibidwal na may kaugnayan sa pagtuturo. Subalit sa pagsabay-sabay na mga trainings hindi na umano sapat ang mga kwarto na maaaring tuluyan at upang mabigyang pansin din ang mga may edad na sa pagtuturo na nahihirapan sa pag-akyat ng ‘double deck’ na kama.

Ayon kay Warly Kindiawan, dormitory manager II ng NEAP, “Nagkukulang minsan ng accommodation dito sa main building ng NEAP although kaya naman nito ang 70 katao,kaya lang for the mean time yung rooms kasi natin dito double deck tapos most of the time yung mga participants natin may aged na yung mga supervisors, teachers di na nila kaya yung pag-akyat pa sa double deck kaya kapag napatayo na yung extension building natin magiging single beddings na lahat para mas comfortable at mas friendly din sa mga guests natin.”

Ayon naman kay Engr. Christopher Hadsan, project manager, sa paggawa ng NEAP Building,  ang proyekto ay nag umpisa Disyembre noong nakaraang taon. “Ang status natin is ongoing yung foundation and excavation tapos yung construction ng temporary facilities. So as of the meantime yun pa muna habang hinihintay ang delivery ng mga bakal kasi ang target completion sana niya is by December. Hopefully, the weather is good, nagcommit naman ang contractor natin, ng office natin mga within this year matatapos iyon.”

Dagdag pa niya, ang contractor sa pinapagawang gusali ay ang Benguet builders at ang inaprubahan na badyet para sa kontrata na four-storey building ay P31,854,915.23.  “It will be more on function hall with rooms para din kung may training ang mga teachers, staffs ng DepEd, stay-in na, may mga rooms din siya. Ang 1st floor and 2nd floor is mostly rooms tapos ang 3rd floor ay function hall at ang 4th floor is open space siya. Pwedeng for future expansion or other activities na pwede i-conduct doon, yun po ang concept ng project bale four storeys siya,” ayon kay Hadsan.

Kate Madisson Lamigo-UB Intern

Amianan Balita Ngayon