NEGOSYANTE PATAY, ASAWA SUGATAN SA PAMAMARIL SA ABRA

BANGUED, Abra

Patay ang isang negosyante at sugatan ang kanyang asawa matapos silang pagbabarilin ng mga armadong sakay ng motorsiklo sa Barangay San Ramon, Manabo, Abra noong, Setyembre 3. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Rodel at Zoraida Bermudez mula sa Barangay Patoc, Bucay, Abra. Lumitaw sa imbestigasyon na ang biktimamag-asawa ay abala sa pag-aayos sa kanilang tindahan, nang huminto sa harap ang isang itim na motorsiklo at bumaba ang back rider at pinagbabaril sila.

Tumakas ang mga suspek, habang ang mga biktima ay dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival si Rodel, samantalang sugatan at nagpapagaling si Zoraida. Nahuli ang mga armadong lalaki sa isang checkpoint sakay ng isang pickup truck na pag aari ng isang lokal na opisyal ng Manabo. Ayon sa opisyal na kasama niya ang kanyang anak at ang kanyang pinsan patungo sa kabiserang bayan upang bumili ng mga piyesa para sa kanyang trak nang makita niya ang mga suspek sa kalsada.

Aniya, sumakay ang mga suspek habang papunta sila sa Bucay at hindi naghinala na may kinalaman sila sa pagpatay. Narekober ng pulisya sa mga suspek ang isang kalibre .45 at isang kalibre .22 na pistola. Hindi muna pinabanggit ang pangalan ng mga suspek habang isinasagawa ang follow-up na imbestigasyon. Ito ang pinakahuling insidente ng pamamaril sa lalawigang ito. Noong Linggo ng hapon, binaril ang magsasaka na si Hidalgo G. Villanueva, 41, sa Sitio Lugit, Patucannay, Tayum.

Ilang oras bago nito, nasugatan ang dating miyembro ng Dolores Sangunniang Bayan na si Gregorio “Goyo” Castillo, 74, sa insidente ng pamamaril sa Sitio Curapo, Barangay Poblacion dahil umano sa alitan sa lupa ng pamilya. Noong Huwebes ng gabi, Agosto 29, sugatan din sina dating Barangay Banacao, Bangued Captain Marcelino Castillo Banayos, 58, at isang construction worker na si Janssen Benauro Blanes, 20, sa insidente ng pamamaril may 100 metro ang layo mula sa police detachment sa Sitio Ramramot, Barangay San Antonio, Bangued.

Si Banayos, na sinasabing kaalyado ng isang pamilya sa pulitika sa lalawigan, ay nananatiling coma habang ginagamot pa sa ospital si Blanes. Mariing kinondena naman ni League of Municipalities (LMP) National Chairman at La Paz, Bangued Mayor Joseph Sto. Nino Bernos ang mga pag atake ng baril. Hinimok niya ang pulisya at iba pang ahensyang nagpapatupad ng batas na “masusing tingnan ang usapin at hadlangan ang anumang pagsiklab ng karahasan sa lalawigan.”

Freddie Lazaro/ABN

BAGUIO BEAUTIES

ULAT SA BAYAN

Amianan Balita Ngayon