ULAT SA BAYAN

Ibinahagi ni Mayor Benjie Magalong sa naganap na selebrasyon ng 115th Charter Anniversary noong Setyembre 1, ang kanyang State of the City Address (SOCA), na tumatalakay sa progreso ng Baguio City na nagpapakita ng innovation, inclusivity, at excellence. Bahagi nito ay ang Good Governance na pamamahala ay dapat maglingkod nang may integridad, katapatan, kahusayan, at malinaw na pananaw para sa lungsod. Dagdag pa rito, binigyang-diin niya ang youth empowerment kung saan ang mga youth leaders ay dapat lumahok sa pagdedesisyon at makinig sa kanila para bigyan ng kapangyarihan ang ibang mga kabataan. Ang lahat ng mga nagawa, pagsisikap, at paglilingkod sa mga tao ay para sa mga susunod na henerasyon.

Photo by Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon