LUNGSOD NG BAGUIO – Arestado ang isang negosyante sa reklamong estafa bandang 8:45pm ng Oktubre 2, 2018 sa Total Convenient Store/Gasoline Station, Camp 7, Baguio City.
Nagtungo si Mila Bakidan Baldos, 34 anyos, negosyante at residente ng Lower Pinget, Baguio City, bandang 5pm ng parehong araw sa Station 8 ng Baguio City Police Office (BCPO) upang ireklamo si Saturnina Diwas Hilario, 41 anyos, negosyante at residente ng Dangwa Tranco Building, Rajah Matanda, Kagitingan, Baguio City.
Sa imbestigasyon, nakipag-transaksyon ang suspek sa biktima noong Setyembre 17, 2018 upang humiram ng perang nagkakahalaga ng P130,000 kapalit ang Transfer Certificate of Title bilang collateral, ang lote ay umaabot sa 800 square meters. Ang kasunduan ay ginawang kopya ng mortgage na nilagdaan kay Atty. Esteban A. Sumngi.
Sa parehong araw, nagtungo ang biktima sa Registry of Deed, La Trinidad, Benguet upang i-verify ang titled lot sa ilalim ng Certificate Title Number 016-2017002012 at nalamang ang nasabing lote ay hindi totoo at may discrepancies sa detalye nito.
Nag-set ng transaksyon ang biktima sa suspek at sinabing babayaran nito ang balanse na nagkakahalaga ng P50,000. Pumayag ang suspek na makipagkita sa biktima at nang ibigay ng biktima ang halagang P20,000 sa suspek ay agad inaresto ng mga tauhan ng PS8-BCPO ang suspek. Ang kaso ay inihahanda na para sa inquest proceedings.
October 9, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025