Kapansin-pansin na tinatamasa na natin ang new normal sa kabila ng nasa Alert Level 1 pa lamang ang siyudad ng Baguio. Ang pangitaing ito ay isang kasiyahan sa atin mula malungkot na karanasan dulot ng pandemya.
Pero, panawagan ng health official na huwag maging kampante sa inaasam-asam nating makamit ang new normal hangga’t hindi pa tuluyang nawawala ang Covid sa ating siyudad, maging sa buong bansa.
Bagama’t hindi na nasusunod ang social o’ physical distancing, dahil halos lahat ay nasa 100 percent capacity na, ay panatilihin pa rin ang face mask, dahil hindi pa rin lahat ng tao ay bakunado na. Isampol natin itong sa mga jeep, na halos ang iba ay sobra na sa 100 percent capacity na noon pa nilang ginagawa.
Kung susuriin mabuti ito ng ating ahensya na may saklaw sa mga public utility vehicle, na ang isang jeep na normal ang sitting capacity sa 10 pasahero ay gagawing 11, kaya yong isang pashero kalahati na lang puwit nya ang nakasayad sa upuan.
Noon pa dapat iniinspekyon na ito kung tama ba at nakakaupo ng maayos ang isang pasahero sa isang jeep na swapang sa pasahero. Sa totoo lang, may mga napansin tayo na drayber ng jeep at taksi (hindi po lahat) na kaskasero, hindi marunong sa batas trapiko at suplado.
Napakaganda at saludo tayo sa ipinaiiral ngayon ng LTO sa mga baguhang kukuha ng lisensya,dahil dadaan ka muna ngayon sa butas ng karayom sa mga requirements na dapat mong ipasa. Hindi gaya noon, na kahit walang alam sa pagmamaneho ay nakakakuha na ng driver license, kaya ang resulta, walang alam sa batas trapiko. Sa ngayon ay walang limit ang turista sa ating siyudad, katunayan nasa 20,000 tourists ang pwedeng tanggapin kadaaraw.
Noong nakaraang holiday (Pebrero 25) marami ang dumagsang turista dahil sa long-weekend vacation at umabot sila sa 15,000. Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, habang tinamasa natin ang pagiging Alert Level 1 at patuloy na pagbaba ng kaso ng Covid, ay binibigyan-daan na makabangon tayo sa eknomiya matapos magdadalawang-taon na pandemya.
Sa kabila ng bilang na pagtanggap sa mga bisita ay patuloy pa rin ang mahigpit health protocols na ipinapatupad sa kanila, kaya’t wala umanong dapat ikabahala ang mga residente hangga’t sumusunod din sa minimum health standard ay unti-unti tayong makakabangon mula sa mapait na karanasan tungo sa new normal.
March 7, 2022
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025