NFA rice hanggang 3 kilo ang pwedeng bilhin

Feb 10, 2018

Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng National Food Authority at Market Outlets tungkol sa distribusyon ng NFA rice sa mga consumer noong ika-5 ng Pebrero, 2018.
Ayon sa kasunduan, lilimitahan lamang hanggang tatlong kilo ng bigas ang maaaring bilhin ng bawat consumer, ito ay upang mas maraming matulungang pamilya na may kakulangan sa budget.
Ipinaliwanag ni NFA Baguio-Benguet Provincial Manager-Cecilia Concubierta na ang pinaka-dahilan kung bakit bumaba ang nakaimbak na NFA rice ay ang kadahilanang ipinamahagi ito sa mga naapektuhan ng kalamidad sa buong Pilipinas gaya ng nangyari sa  Marawi at Albay.
Binigyang linaw din ni Concubierto na walang kinalaman ang pagtaas ng presyo ng commercial rice sa kakulangan ng NFA rice.
May kabuoang limang milyong sako ng NFA rice ang pinaghatian ng iba’t ibang sektor ng Pilipinas noong Agosto ng nakaraang taon, ang 65,000 na sako nito ay inilaan para sa lungsod.  Sa kasalukuyan, 14,400 na sako lamang ang natirang nakaimbak sa bodega ng NFA ngunit mas prayoridad nitong bigyan ang ahensya ng gobyerno para sa mga programa nitong pakain (feeding program). Gumawa ang NFA ng supervised selling kung saan tatlong sako lamang ng 50 kilogram ang puwedeng ibenta tuwing Lunes hanggang Biyernes at limang sako naman ng 50 kilogram ang puwedeng ibenta tuwing Sabado at Linggo. Ito ay limitado lamang sa hanggang tatlong kilo ang puwedeng bilhin ng bawat consumer. Ang mahuhuling lalabag na market outlet ay magkakaroon ng karampatang parusa na tinatawag na Perpetual Disqualification o temporaryong pagkawala ng karapatang magbenta ng bigas ng gobyerno.
Ayon sa NFA, hindi pa naaprubahan ang request nitong 250,000 metric tons. Madadagdagan lamang ang supply ng NFA rice kung may pag-aangkat sa ibang bansa sapagkat wala ng mabibiling lokal na bigas dahil hindi pa panahon ng anihan. Kristine Mae L. Pasyan, UB Intern / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest